Babae

Lyrics
[Verse 1] Kayo ba ang mga Maria Clara Mga Hule at mga Sisa Na 'di marunong na lumaban? Kaapiha'y bakit iniluluha? Mga babae, kayo ba'y sadyang mahina? [Verse 2] Kayo ba ang mga Cinderella Na lalake ang tanging pag-asa? Kayo nga ba ang mga Nena Na hanapbuhay ang pagpuputa? Mga babae, kayo ba'y sadyang pang-kama? [Chorus] Ang ating isip ay buksan At lipuna'y pag-aralan Paano nahubog inyong isipan At tanggaping kayo'y mga libangan Mga babae, ito nga ba'y kapalaran? [Verse 3] Bakit ba mayro'ng mga Gabriela Mga Teresa at Tandang Sora Na 'di umasa sa luha't awa? Sila'y nagsipaghawak ng sandata Nakilaban, ang mithiin ay lumaya [Verse 4] Bakit ba mayro'ng mga Lisa Mga Liliosa at mga Lorena Na 'di natakot makibaka At ngayo'y marami ang kasama? Mga babae, ang mithiin ay lumaya [Chorus] Ang ating isip ay buksan At lipuna'y pag-aralan Paano nahubog inyong isipan At tanggaping kayo'y mga libangan Mga babae, ito nga ba'y kapalaran? [Verse 4] Bakit ba mayro'ng mga Lisa Mga Liliosa at mga Lorena Na 'di natakot makibaka At ngayo'y marami ang kasama? Mga babae, ang mithiin ay lumaya [Outro] Mga babae, ang mithiin ay lumaya
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ramon Ayco