Sana’y Mayaman

Lyrics
[Verse 1] Tanong ng anak, "Inay, mayaman ba tayo?" Sagot ng ina, "Hindi, anak ko 'Di tayo mayaman, panay kayod sa trabaho Kahit na ganoon, mababa lang ang suweldo." [Verse 2] "Bakit ba, anak? Gusto mo bang yumaman?" "Opo, inay, para marami akong laruan." "Ngunit, anak ko, ako muna'y pakinggan Sasabihin ko sa 'yo ang aking dahilan." [Verse 3] Sa ating mundo'y maraming lamangan 'Pagkat tao'y suwapang at gustong yumaman 'Di na bale ang ibang lunod sa kahirapan Basta't makuha lang ang pansariling kabutihan [Verse 4] Kung ang tao'y sampu, at ang pera'y sampu lamang At tig-i-tig-iisa ang mga mamamayan Sa ganitong sitwasyon, walang kahirapan Sa ganitong sitwasyon, wala ring mayaman [Verse 5] Ngunit kapag ang isa'y kumuha ng lima Anong maiiwan sa siyam na natira? Paghahati-hatian ang naiwang pera Ang siyam ay mahirap, iisa ang may-kaya [Verse 6] Anak kong giliw, ating pag-isipan Kung tama nga bang magkaroon ng mayaman Kung ang kayamana'y iba ang pagkukunan Ang hindi makakuha'y kawawa naman [Verse 7] Dapat sana dito sa ating bayan Pantay-pantay ang lahat ng mga mamamayan Walang naghihirap at palamon lamang Walang nagdurusa at walang naiisahan [Verse 8] "Ito'y panaginip na sana'y makamtan Musmos mong isip sana'y maintindihan." "Opo, inay, ngayon ko lang nalaman Hindi na po ako maghahangad yumaman." [Verse 9] Dapat sana dito sa ating bayan Pantay-pantay ang lahat ng mga mamamayan Walang naghahari at walang mayaman Walang naghihirap at walang kaapihan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Karina David