Atsay ng Mundo

Album cover art for "Atsay ng Mundo" by Inang Laya

Inang Laya - Pop, Philippines

Atsay ng Mundo

0 Plays

Duration: 3:39

View ArtistView Album

Lyrics

[Verse 1] Namamalat na nga ang tinig, tuyo pa ang lalamunan Kumikirot-kirot ang ulo, sikmura'y kumakalam Maghapong nakapilipit sa kanyang silid-aralan Naiinip, naghihintay sa oras ng uwian [Verse 2] Suweldo'y kakapurit, ginhawa'y 'di madama Sa kakulangan ng palad, pobreng guro'y nagsawa Dala ng pagkabigo, ang ating tuwid ay nagpasiya Na mag-alsa balutan patungo sa Amerika [Verse 3] Nag-abroad si Mila Walang tangay kundi maleta Tanging baon ay kanyang diploma Magti-TNT at gagawa ng pera [Bridge] Naghanap ng trabaho, sinuyod ang pahayagan Bawat matagpuang bakante ay sinubukang applyan Pitong buwan niyang inabangan ang tawag ng kapalaran Nang dapuan ng suwerte, sa wakas, ay nagtagumpay [Verse 4] Karwahe ng pangarap, ngayo'y metal na kariton Lulan nito'y lampasong konsorte sa maghapon Ang kanyang traheng pormal, isang naninilaw na apron Winiwisik na pabango, mga panlinis na lason [Bridge] Naghanap ng trabaho, sinuyod ang pahayagan Bawat matagpuang bakante ay sinubukang applyan Pitong buwan niyang inabangan ang tawag ng kapalaran Nang dapuan ng suwerte, sa wakas, ay nagtagumpay [Verse 5] Domestic na si Mila, anim-isang oras ang halaga Sagad sa pagod, kulang ang kita Nagwawalang-kibo, nagtitiis, nagtiyatiyaga Kaawa-awang Mila, dating guro, ngayo'y alila Pangarap niya'y nauwi lang sa bula [Outro] Kailan ka lalaban? Kailan ka lalaya? Kailan?

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Karina David
  • Lester Demetillo