Base Militar

Lyrics
[Chorus] Base militar, armas na nukleyar Ito'y kahibangan na dapat hadlangan Base militar, armas na nukleyar Ito'y kahibangan na dapat hadlangan [Verse 1] Animnapu't limang libong ektarya Binakuran at inangkin ng banyaga Sa Angeles at sa Gapo Base militar ng mga Kano [Verse 2] Mga base militar ay tiyak na tambakan Ng armas nukleyar na walang pakinabang Ito ay daungan ng armadong sasakyan Dumarating na lingid sa ating kaalaman [Chorus] Base militar, armas na nukleyar Ito'y kahibangan na dapat hadlangan Base militar, armas na nukleyar Ito'y kahibangan na dapat hadlangan [Verse 3] Pampalipas libog ng mga sundalo Pagbibigay hilig sa kanilang mga bisyo Manikang buhay na nilalaro Libangan lamang ng mga Kano [Verse 4] Sa base militar ay walang katarungan Banyaga'y hari sa ating bayan Baboy damo ang trato sa tao At walang karapatan ang mga Pilipino [Chorus] Base militar, armas na nukleyar Ito'y kahibangan na dapat hadlangan Base militar, armas na nukleyar Ito'y kahibangan na dapat hadlangan [Verse 5] Aksidenteng nukleyar o digmaan ng Kano Tiyak na kasangkot ang Pilipino Pinsala't dusa't kapahamakan Base militar ang pagmumulan [Verse 6] Mga base militar ang lantarang katibayan Ng ating huwad na kalayaan Ang kawalaan ng tunay na kapangyarihan At paglapastangan ng ating kasarinlan [Chorus] Base militar, armas na nukleyar Ito'y kahibangan na dapat hadlangan Base militar, armas na nukleyar Ito'y kahibangan na dapat hadlangan Hadlangan Hadlangan [Outro] Hadlangan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Edru Abraham
- Karina David