Laging Mayroong Bukas

Lyrics
[Verse 1] Narito ka, nagbibigay ng kulay Sa aking daigdig, giliw, ikaw ang buhay Sa piling mo'y walang hanggang ligaya Dulot mo'y walang katapusang pag-asa [Pre-Chorus] Habang ikaw ay narito, susulong ang aking mundo At lagi kong matatanaw ang pagsikat ng araw [Chorus] Laging mayro'ng bukas na sa aki'y sisikat Habang ikaw ay narito't kapiling ko Ngunit ang araw ay magtatampo Uulan, babagyo, guguho ang daigdig ko Giliw, kung ako'y iiwan mo [Verse 2] Dumating ka, giliw, sa aking buhay Paligid ko'y nagbago ng takbo at kulay Pag-ibig mong sadyang wagas at tunay Pangarap kong maging sa akin habambuhay [Pre-Chorus] Habang ikaw ay narito, susulong ang aking mundo At lagi kong matatanaw ang pagsikat ng araw [Chorus] Laging mayro'ng bukas na sa aki'y sisikat Habang ikaw ay narito't kapiling ko Ngunit ang araw ay magtatampo Uulan, babagyo, guguho ang daigdig ko Giliw, kung ako'y iiwan mo Laging mayro'ng bukas na sa aki'y sisikat Habang ikaw ay narito't kapiling ko Ngunit ang araw ay magtatampo Uulan, babagyo, guguho ang daigdig ko Giliw, kung ako'y iiwan mo Uulan, babagyo, guguho ang daigdig ko Giliw, kung ako'y iiwan mo [Outro] Iiwan mo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jun Cerino