Sangandaan

Lyrics
Language:
[Verse 1] Walang kumplikasyon Ang buhay mo noon Kalooban mo'y panatag Kalangitan ay maliwanag Ang daan ay tuwid at patag Sa buhay mo noon [Chorus] Ngunit bawat pusong naglalakbay Dumarating sa sangandaan Ngayong narito ka Kailangang magpasya Aling landas ang susundin ng puso? Saan ka liligaya? Saan mabibigo? Saan ka tutungo? [Verse 2] Kay daling sumunod Sa hangin at agos Aasa ka na ang dalangin Gagabay sa iyong damdamin Ngunit saan ka dadalhin Ng hangin at agos? [Chorus] Alam mong bawat pusong nagmamahal Dumarating sa sangandaan Ngayong narito ka Kailangang magpasya Aling landas ang susundin ng puso? Saan ka liligaya? Saan mabibigo? Saan ka tutungo?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)
Loading comments...
Credits
Credits Not Found