Pag-Ibig Sa Tinubuang Lupa

Lyrics
[Intro] Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala [Verse 1] Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop Dugo, yaman, dunong, katiis at pagod Buhay ma'y abuting magkalagot-lagot [Verse 2] Ang nakaraang panahon ng aliw Ang inaasahang araw na darating Ng pagkatimawa ng mga alipin Liban pa sa bayan, saan tatanghalin [Verse 3] Sa abang-abang mawalay sa bayan Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay Walang alaala't inaasam-asam Kundi ang makita'y lupang tinubuan [Verse 4] Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak Kahoy niyaring buhay na nilanta't sukat Ng bala-balaki't makapal na hirap Muling manariwa't sa baya'y lumiyag [Verse 5] Ipakahandug-handog ang buong pag-ibig Hanggang sa may dugo'y ubusing itigis Kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit Ito'y kapalaran at tunay na langit [Outro] Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Andrés Bonifacio