Titser

Album cover art for "Titser" by Inang Laya

Inang Laya - Pop

Titser

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

Titser, genius ka kaya? Bukod sa lesson plan may thesis pang ginagawa Lagari sa tahanan, kayod sa eskwela Wonder Woman ka ngunit wala namang laya Titser, ito ba'y himala? Sa kayraming campus lagi kang nakikita Nalilibot ang U-belt sa buong umaga Ito'y di hiwaga nagmu-moonlight ka lang pala Titser, iyan nga ba'y tama? Kakaunti ang kita at may take-home work ka pa Sa hirap ng buhay, ika'y part-time na tindera Ng mga PX goods, panty, bra, longganisa Titser, gumising na tayo Tayo'y ginawang taga-bura ng boto Taga-benta ng ticket, taga-halo ng kalburo Nagsayaw pa sa airport ng wala namang sweldo Titser, kumilos na tayo Ang edukasyon ay hindi gawang biro Huwag nang magpaloko at magsawalang-kibo Tayo'y kalahok sa pambansang pagbabago Huwag nang magpaloko at magsawalang-kibo Tayo'y kalahok sa pambansang pagbabago

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Credits Not Found