Hatid

Lyrics
[Verse 1] Sa pagitan ng simula't katapusan Matagal ko nang pinag-iisipan Bago mo ako tuluyang iwanan Ihahatid kita [Verse 2] Kung mayroon akong natutunan Sa dami ng ating pinag-awayan 'Yan ay wala akong dapat patunayan Ihahatid kita [Pre-Chorus] Naisip ko rin namang umalis na ng tuluyan Pero hindi tamang ikaw ay iwanan ng walang paalam Alang-alang sa pinagsamahan, ihahatid kita [Chorus] Do'n sa lugar kung saan ka magiging masaya Kahit na hindi ako ang kasama, ihahatid kita Walang mangungulit, wala nang magagalit 'Wag kang mag-alala, ihahatid kita [Verse 3] Binigay lahat ng makakaya Pag-ibig na tapat mula nung una Ngunit lahat ito, sa'yo'y kulang pa Kaya ihahatid kita [Pre-Chorus] Naisip ko rin namang umalis na ng tuluyan Pero hindi tamang ikaw ay iwanan ng walang paalam Alang-alang sa pinagsamanan, ihahatid kita [Chorus] Do'n sa lugar kung saan ka magiging masaya Kahit na hindi ako ang kasama, ihahatid kita Walang mangungulit at wala nang magagalit 'Wag kang mag-alala, ihahatid kita [Bridge] 'Di ka hahabulin, 'di ka pipigilin 'Wag mag-alala, ihahatid kita [Chorus] Do'n sa lugar kung saan ka magiging masaya Kahit na hindi ako ang kasama, ihahatid kita Walang mangungulit at wala nang magagalit 'Wag kang mag-alala, ihahatid kita Kung saan ka magiging masaya Kahit na hindi ako ang kasama, ihahatid kita Walang mangungulit at wala nang magagalit 'Wag kang mag-alala, ihahatid kita [Outro] 'Wag kang mag-alala Ihahatid kita
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Carl Guevarra