Dulo

Lyrics
[Verse 1: Carl Guevarra] Nakatingin na naman sa kawalan Tinatago ang tunay na nararamdaman Hangggang kailan ko 'to kakayanin Hanggang saan kita uunawain [Verse 2: Japs Mendoza] Pa'no ipaglalaban ang pagmamahal Kung sa pananatili ay nasasakal Nahihirapan na ating mga damdamin 'Di malaman kung paano aaminin [Pre-Chorus: RJ Cruz, Chael Adriano] Naubos na ang luha at mga salita Siguro'y 'di sapat, aking pagmamahal [Chorus: Carl Guevarra] Ito na ba ang hinihintay Ang pagwawakas ng paglalakbay Lahat nama'y ibinigay Ngunit balewala lang kaya paalam [Post-Chorus: Japs Mendoza, Carl Guevarra] Kailangan na yatang harapin Na ito ay 'di para sa atin Mahirap man na tanggapin Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo, ang dulo (Ito na ang dulo) [Verse 3: Carl Guevarra, Japs Mendoza] Bibitawan at palalayain ka Kasama ang pangako't alaala Ngunit hindi kita pipilitin Hahayaan ko na lang ito'y iyong mapansin [Pre-Chorus: RJ Cruz, Chael Adriano] Naubos na ang luha at mga salita Siguro'y 'di sapat, aking pagmamahal [Chorus: Carl Guevarra, All] Ito na ba ang hinihintay Ang pagwawakas ng paglalakbay Lahat nama'y ibinigay Ngunit balewala lang kaya paalam [Post-Chorus: Japs Mendoza, All] Kailangan na yatang harapin Na ito ay 'di para sa atin Mahirap man na tanggapin Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo [Bridge: RJ Cruz, Carl Guevarra] Gusto mang kumapit, mahirap ipilit ang 'di para sa atin Hihintayin ko na maramdaman mo, ito na ang dulo, ohh [Chorus: RJ Cruz, Carl Guevarra] Ito na ba ang hinihintay (Hinihintay) Ang pagwawakas ng paglalakbay Lahat nama'y ibinigay Ngunit balewala lang kaya paalam [Post-Chorus: Carl Guevarra, RJ Cruz] Kailangan na yatang harapin Na ito ay 'di para sa atin Mahirap man na tanggapin Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo, ang dulo (Ito na ang dulo) [Outro: Japs Mendoza, Carl Guevarra] Hanggang dito lang tayo, ito na ang dulo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- RJ Cruz
- Carl Guevarra