Itutulog Na Lang

Lyrics
[Intro] Itutulog na lang ang lungkot na nadarama Itutulog na lang, bigat na dinadala [Verse 1] Gabi-gabi, hindi mapakali Hinahanap-hanap ang iyong lambing Hinahanap-hanap ka sa'king tabi [Verse 2] Paano na, sa isip 'di mawala Mga sandali na ikaw ay kasama Bawat sandali ay nais kang makita [Chorus] Itutulog na lang ang lungkot na nadarama Itutulog na lang, bigat na dinadala Sana'y pagsapit ng umaga'y mawala na Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisan [Verse 3] Ayoko na, nakakapagod din pala Tatanggalin na lang mga alaala Tatanggapin na lang na wala ka na [Chorus] Itutulog na lang ang lungkot na nadarama Itutulog na lang, bigat na dinadala Sana'y pagsapit ng umaga'y mawala na Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisan [Bridge] Pa'no na ang pangarap nating dalawa? Nahanap mo na ang iyong tahanan sa piling ng iba Pa'no na ang mga pangako sa isa't isa? Sa laban nating dalawa'y naiwang mag-isa Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh [Chorus] Itutulog na lang ang lungkot na nadarama Itutulog na lang, bigat na dinadala Sana'y pagsapit ng umaga'y mawala na Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisan [Outro] Itutulog na lang Itutulog na lang
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Japs Mendoza
- Carl Guevarra