Papel

Album cover art for "Papel" by Joey Ayala & Silver Filter & Denise Barbacena

Joey Ayala & Silver Filter & Denise Barbacena - Rap, Pop

Papel

2 Plays

View Album

Lyrics

Language:

[Intro: Joey Ayala, Denise Barbacena] Ikaw ba'y may papel? Na'san ang iyong papel? Ano ang iyong papel? Papel Papel Papel Papel [Verse 1: Joey Ayala] Magmula pagsilang, tayo ay pumapapel Ang timbang at alay, ini-record sa papel Birthday at magulang, sa papel masusulyap Ito ang katibayan na tayo nga ay taong mapapel [Verse 2: Joey Ayala with Denise Barbacena] Pagpasok sa eskwela, ang bitbit nati'y papel Natutong magbasa at sumulat sa papel Ilang taong tinahak ang papel na daanan Patungong graduation na diplomang nakalukot na papel Papel [Pre-Chorus: Joey Ayala with Denise Barbacena] Paghanap ng trabaho, ang hanap ay papel At ng matanggap abay kay bosing pumapel Nang magtagumpay ay lumapad ang papel Papel [Verse 3: Joey Ayala] Tuwing kinsena't trenta may pasweldo na papel Nagkaroon ng credit card, pautang na papel At nang 'di nakabayad, ang papel ay nabasa Kumayod, nagsumikap nang maayos at dumami ang papel [Verse 4: Joey Ayala] Nang may mapusuan, nag-I love you sa papel Nang magkatuluyan, nagpirmahan sa papel At nang magkapamilya, ang papel nadagdagan May lupa, bahay, tubig at kuryeteng babayaran ng papel [Chorus: Joey Ayala with Denise Barbacena] 'Pag wala kang papel, wala kang papel Hindi ka makaporma, di ka makapapel Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell Papel Pag wala kang papel, wala kang papel Hindi ka makaporma, di ka makapapel Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell, papel [Bridge: Gloc-9 with Denise Barbacena] Kapag nagkasakit, ang reseta ni dok ay sa (Papel) Pag naoospital ay kailangang lagdaan ang (Papel) Kung masasawi, pangalan ng patay ay nasa (Papel) Sige, basahin mo kung sino ako sa libro na gawa sa (Papel) Tseke, pasaporte, lisensya (Papel) Rehistro, titulo, sedula (Papel) Resibo, selyo, balota (Papel) Pati tissue na pamahid sa lungkot man o ligaya (Papel) [Verse 5: Joey Ayala with Denise Barbacena] Kung nais mong maiwasang maalipin sa papel Diwa mo't damdamin ay linawin sa papel Kapag ang iyong hangarin ay sa papel tinapat Ito ang susundin ng kaganapang umiikot sa papel, papel, papel, papel [Verse 6: Joey Ayala with Denise Barbacena] Ang nais makamtan ay i-drawing sa papel Ang nais marating ay i-mapa sa papel Ang mga hakbangin ay sa papel ihakbang, (papel) Papel Papel mo sa sarili, papel mo sa angkan Papel mo sa bayan at sa sanlibutan Kung ikaw ay maligaw, papel ay balikan Papel [Chorus: Joey Ayala and Denise Barbacena] 'Pag wala kang papel, wala kang papel Hindi ka makaporma, di ka makapapel Maihahatid ka nya sa heaven o sa hell, papel Papel Hey! [Outro: Gloc-9, Denise Barbacena] Kontrata sa gobyerno, negosyo (papel) Pasado o bagsak man na grado (papel) Lahat ng balita sa dyaryo (papel) Lalo na ang mga pera mo sa bangko (papel)

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Joey Ayala