Panganay Ng Umaga

Lyrics
Language:
[Verse 1] Ang panganay ng umaga'y Sumilip sa bintana Ako'y dumilat at nagulat Sa lawak ng mundo [Verse 2] Mga burol at kabundukan Nakahanay sa abot-tanaw Bughaw na langit at kapatagan Magkasintahang nagtatagpo [Verse 3] Lawa, ilog, dagat Lamig, tamis, alat Ulan, agos, alon Haplos sa pisngi ng panahon [Verse 4] Sanlibong ulap nagliliparan Kasabay ng agila at lawin Bulong ng simoy, awit ng hangin At sigaw ng buhawi, hey [Interlude] [Verse 5] Ako'y tao lamang Tagabigay ng pangalan Tagasukat, tagabilang Munting butil sa sanlibutan [Verse 1] Ang panganay ng umaga'y Sumilip sa bintana Ako'y dumilat at nagulat Sa lawak ng mundo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jose Ayala