Usok

Lyrics
[Verse 1] Usok mula sa lalamunan ng bulkan Nagsasabing may nagbabaga sa sinapupunan [Verse 2] Hindi mo ba maramdaman? Nanginginig ang lupang inaapakan mo Ang dating 'di gumagalaw, ngayo'y 'di na mapigil, 'di na masugpo [Verse 3] Usok, isinilang sa impiyerno't binitiwan Sumasayaw-sayaw, naglalakbay patungong kalangitan Sinusumbong sa hangin ang umaalsang apoy sa katimugan Taglay ang bahid na itim, bandilang isinabit sa katahimikan [Refrain] Hmm, hmm, hmm, hmm, hmm hmm hmm hmm hmm Hmm, hmm, hmm, hmm, hmm hmm hmm hmm hmm [Verse 2] Hindi mo ba maramdaman? Nanginginig ang lupang inaapakan mo Ang dating 'di gumagalaw, ngayo'y 'di na mapigil, 'di na masugpo [Verse 4] Usok, sakay-sakay ng hanging amihan Dala-dala'y aralin na galing pa sa kasaysayan [Verse 5] Ang taong nagpupunyagi, aahon at aahon din sa kahirapan Ang taong inaapi ay babangon at babangon din sa bukang-liwayway [Refrain] Hmm, hmm, hmm, hmm, hmm hmm hmm hmm hmm Hmm, hmm, hmm, hmm, hmm hmm hmm hmm hmm [Verse 5] Ang bayang nagpupunyagi, aahon at aahon din sa kahirapan Ang bayang inaapi ay babangon at babangon din sa bukang-liwayway [Verse 1] Usok mula sa lalamunan ng bulkan Nagsasabing may nagbabaga sa sinapupunan [Verse 1] Usok mula sa lalamunan ng bulkan Nagsasabing may nagbabaga
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Joey Ayala