Wala Nang Tao Sa Sta. Filomena

Lyrics
[Verse 1] Nag-iisang lumilipad ang langay-langayan Anino niya'y tumatawid sa nanunuyong palayan Tanging sagot sa sigaw niya ay katahimikan At kaluskos ng hangin sa dahon [Verse 2] 'Sang ikot pa, huling sulyap mula sa ibabaw ng bayan Mga kubong pinatatag ng nipa at kawayan Paalam na, paalam na ang awit ng langay-langayan Ngunit walang nakasaksi sa palayo niyang lutang [Chorus] 'Pagkat wala nang tao sa Sta. Filomena Walang aani sa alay ng lupa Nakayuko ang palay, tila bang nalulumbay Tila bang naghihintay ng karit at ng kamay [Verse 3] Nahihinog ang bunga ng mga mangga't bayabas Pinipitas ng hangin at sa lupa'y hinahampas Sinisipsip ng araw ang tamis at katas Iniiwan ang binhing umaasa [Verse 4] At pagdating ng tag-ulan sa pinaghasikan Upang hugutin ang buhay mula sa kamatayan Muling dadaloy ang dugo sa ugat ng parang Subalit ang lahat na 'to'y masasayang [Chorus] 'Pagkat wala nang tao sa Sta. Filomena Walang aani sa alay ng lupa Ang palay ay nakayuko, tila bang sumusuko Naghahandog ng buhay sa karit at kamao [Instrumental Break] [Verse 5] Lumilipad, sumisigaw ang langay-langayan Nasaan ka at bakit ka nagtatago, taumbayan? Panahon na, panahon nang balikan ang iniwan Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan [Outro] Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Joey Ayala