Bankerohan

Album cover art for "Bankerohan" by Joey Ayala

Joey Ayala - Pop, Contemporary Folk

Bankerohan

2 Plays

Duration: 3:23

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] 'Kaw ba'y nagtataka sa aking mga kilos Parating nasa bahay 'di na nagpapakita 'Di na nagtitipar o nanonood ng sine 'Di na namamasyal sa Magsaysay [Verse 2] Ako'y may karanasang hindi malilimutan Noong isang gabi nagkasunog sa palengke Ako ay nakisali sa mga nakiusisa Biglang may pumutok at nagkagulo-gulo [Chorus] Dagan! Dagan! Dagan! Mga tao'y nagsigawan Mabuti na lang at ako'y nadapa At naligtas sa pinsala [Verse 3] 'Pagka't mahirap ang umilag sa shrapnel ng granada Kapag ika'y tamaan labas ang 'yong bituka At kung ikaw ay suwertehing dalhin sa ospital Asahan mong ikaw ay dead on arrival [Verse 4] At ganyan nga ang nangyari sa aking katabi Ang balak niya'y tulungan ang mga nasunugan At napaaga lang nga ang kanyang gantimpala Isang libreng tiket sa kalangitan [Chorus] Diyos ko! Diyos ko! Diyos ko! Ito ba ang Inyong kagustuhan Iilan na lang nga ang mga matitino Sila pa ang tinatawag Niyo Diyos ko po! [Instrumental Break] [Verse 5] Kaya mga higala kundi mahihinto Itong uring katuwaan na 'di naman biro Inyong mapapansin sa kadugay-dugayan Unti-unting mauubos ang Dabawenyo [Chorus] Pastilan! Pastilan! Pastilan! Sasabihin ng buong bayan Ang siyudad ng Dabaw ay wala nang tao Ang Dabaw ay sementeryo [Chorus] Diko! Diko! Diko! Isa lang ang aking buhay Marami pa akong gustong gawin Huwag niyo munang putulin [Chorus] Agay! Agay! Agay! Isa lang ang aking buhay Marami pa akong gustong gawin Huwag niyo munang putulin Ang buhay ko

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Joey Ayala