Wag Ka Na

Lyrics
[Verse] Nag-message ka pala kaninang madaling araw At tinatanong mo 'ko kung sa'n ko nabili yung hikaw Na regalo ko sayo noong tayo pang dalawa Natawa na lang ako dahil nangangamusta ka Eh tandang-tanda ko pa kung pa'no 'ko nagluksa Nung iniwan mo ako at sumama sa iba Ikamusta mo na lang ako sa boyfriend mong maton Na walang ginawa kundi mag-selfie at Tiktok maghapon Kumpleto nga sa abs ngunit kulang sa ambisyon Habang ako'y nandito lang sa bago kong gas station [Pre-Chorus] At salamat at ako'y niloko mo Kundi malamang hanggang ngayon badtrip ang buhay ko At kailangan ko din yun pagdaanan Upang aking malaman ang katotohanan Na mas ok sa piling ng iba Kung saan tahimik at mas masaya At kahit na magpa-cute ka pa Ayoko na sayo, wala ka nang magagawa [Chorus] Wag ka nang mag-abang Wala nang dahilan para balikan ko ang nakaraan Wag ka nang umasa pa Magmumukha ka lang tanga Halatang para kang nanghihinayang Dinadaan sa simpleng landian Wala ka nang mapapala You had your chance kaya pasensya na [Verse] Marahil ay nakita mo na ako ay masaya Kaya di ka mapakali at nagsisisi ka Hindi mo matanggap na may mas hihigit sayo Hinay-hinay lang kasi sa kaka-stalk sa girlfriend ko "You had me at my best, but she loved me at my worst" Yun yung sinabi ni Popoy kay Basha dun sa first [Verse] At wag kang mag-alala dahil napatawad na kita Wala na 'kong pakialam sayo wag ka lang manggugulo Mag-move on ka sana at nawa'y mahanap mo Kaligayahan na nahanap ko nung nawala ka sa mundo [Pre-Chorus] Kaya't salamat at ako'y niloko mo Kundi malamang hanggang ngayon badtrip ang buhay ko At kailangan ko din yun pagdaanan Upang aking malaman ang katotohanan Na mas ok sa piling ng iba Kung saan tahimik at mas masaya At kahit na magpa-cute ka pa Ayoko na sayo, wala ka nang magagawa [Chorus] Wag ka nang mag-abang Wala nang dahilan para balikan ko ang nakaraan Wag ka nang umasa pa Magmumukha ka lang tanga Halatang para kang nanghihinayang Dinadaan sa simpleng landian Wala ka nang mapapala You had your chance kaya pasensya na
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Chito Miranda