Harana

Album cover art for "Harana" by Parokya Ni Edgar

Parokya Ni Edgar - Rock, Pop

Harana

204.6K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka Sino ba 'tong mukhang gago? Nagkandarapa sa pagkanta At nasisintunado sa kaba [Verse 2] Mayron pang dalang mga rosas Suot nama'y maong na kupas At nariyan pa ang barkada Naka-porma, naka-barong [Pre-Chorus] Sa awiting daig pa ang minus one At sing-along [Chorus] Puno ang langit ng bituin At kay lamig pa ng hangin Sa'yong tingin ako'y nababaliw, giliw At sa awitin kong ito Sana'y maibigan mo Ibubuhos ko ang buong puso ko Sa isang munting harana Para sa'yo [Verse 3] Hindi ba't parang isang sine Isang pelikulang romantiko Hindi ba't ikaw ang bidang artista At ako ang 'yong leading man [Pre-Chorus] Sa istoryang nagwawakas Sa pag-ibig na wagas [Chorus] Puno ang langit ng bituin At kay lamig pa ng hangin Sa'yong tingin ako'y nababaliw, giliw At sa awitin kong ito Sana'y maibigan mo Ibubuhos ko ang buong puso ko Sa isang munting harana Para sa'yo

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Eric Yaptangco