Borbolen

Album cover art for "Borbolen" by Parokya Ni Edgar

Parokya Ni Edgar - Rock, Alternative Rock

Borbolen

0 Plays

Duration: 3:19

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse] Kapag nagsasama Nagkakandaloko na Kahit di natin sinasadya Parang default na setting sa paborito mong camera Laging dun tayo napupunta [Chorus] Ewan ko nga kung bakit tayo laging nagkakaganito Siguro nga sadyang borbolen tayo [Verse] Kahit anong pilit na aking ayusin Nagugulo pa rin tuwing kayo ay dumarating Panay kalokohan kahit sa seryosong usapan Nakakainis, ngunit 'pag wala ay nakaka-miss [Chorus] Ewan ko nga kung ano ang meron sa barkadang ito Siguro nga sadyang borbolen tayo [Verse] Tulad nung lamay ng inyong kapitbahay Naki-charge ka ng phone, ang ilaw sa altar ay biglang namatay Ok lang sana, kung walang nagmimisa Muntik na akong mamatay kakapigil ng tawa [Chorus] Paano kaya 'ko nasama sa mga kolokoy na 'to? Siguro nga sadyang borbolen tayo [Instrumental] [Bridge] Basta't ito ang palagi ninyong tatandaan Kahit ano ang mangyari sa atin walang iwanan At walang tatalo kailan pa man sa ating samahan At aking paninindigang borbolen tayo [Coda] (Borbolen tayo) Borbolen ka ba? Ngayon at kailanman (Borbolen tayo) Borbolen tayo

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Chito Miranda