1896

Lyrics
[Verse 1] Ikadalawampu ng Enero sa Barcelona Namaalam na sa alak si Lopez Jaena Humele na, humele na Ang ating bayani sa España Panahon na, panahon na Mil ocho cientos noventa'y seis [Instrumental Break] [Verse 2] Hulyo a-cuatro, ang Propaganda'y umabot sa dulo Nang si Marcelo H. del Pilar pumanaw sa masikip na ospital Humele na, humele na Ang ating bayani sa España Panahon na, panahon na Mil ocho cientos noventa'y seis [Instrumental Break] [Verse 3] Ika-dalawampu't anim ng Agosto nilabas ang sandata Ipinagdiwang ang sandali bandera'y iwinagayway At sa Bagumbayan Si Dr. Jose Rizal ay pinaslang Bukang-liwayway ng Disyembre a-trenta Panahon ng pananalig At ng pangangamba Taon ng Himagsikan Mil ocho cientos noventa'y seis [Verse 4] Humele na, humele na Ang ating bayani sa lupa Panahon na, panahon na Mil ocho cientos noventa'y seis Mil ocho cientos noventa'y seis Mil ocho cientos noventa'y seis
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Joey Ayala