Dumaan Ako

Album cover art for "Dumaan Ako" by Joey Ayala

Joey Ayala - Pop, Contemporary Folk

Dumaan Ako

0 Plays

Duration: 3:55

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Dumaan ako sa tahimik na ilog Ang buong mundo ay parang natutulog Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog Parang ang puso ko itong nadudurog [Instrumental Break] [Verse 2] Kung mag-isa ako ay huwag nang isipin Sa dilim ay dapat pa akong hanapin Habang may luha ay huwag pang ibigin Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin [Verse 3] Kaya kong maghintay sa mga tula mo At makinig sa awit mula sa kabilang dako At sa paglalakad sa lilim ng mga puno Matutuklasan ang laman ng pusong malayo [Instrumental Break] [Verse 4] At mapapanood ang sayaw ng mga tutubi Sabay sa indak at lipad ng ibong humuhuni At hihinahon na itong hindi mapakali At makakahimlay sa mapayapang gabi [Verse 1] Dumaan ako sa tahimik na ilog Ang buong mundo ay parang natutulog Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog Parang ang puso ko nga itong nadudurog Parang ang puso ko itong nadudurog

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Joey Ayala