Hulaan

Lyrics
[Verse 1] Bakit ba nagpapaakit Sa bawat likha mong tinig? 'La namang kasiguraduhan Meron ba akong kalalagyan? Sa magulo mong damdamin 'Di alam kung para sa 'kin ba Ang iyong nararamdaman Kailan mo balak na punan? [Pre-Chorus] Patlang Lumalalim kada hakbang palapit Sadya bang walang malinaw na sagot? Parang palaisipan [Chorus] Hulaan 'Lang kalaban-laban 'Di ka mailagan Gusto mo lang ba 'ko? Sa tuwing ika'y nag-iisa Hula-hulaan, hula-hulaan Hula-hulaan, hula-hula [Verse 2] Sige, sakyan ko na 'yong gimik Halo-halo man ang pahiwatig mo Dapat na bang matauhan? Apat na buwan ka nang pinagbibigyan [Pre-Chorus] (Haba-habang) Patlang Lumalalim kada hakbang palapit Sadya bang walang malinaw na sagot? Parang palaisipan [Chorus] Hulaan 'Lang kalaban-laban 'Di ka mailagan Gusto mo lang ba 'ko? Sa tuwing ika'y nag-iisa Hulaan Anong panghahawakan? 'Di malaman-laman Sa 'kin mo lang ba 'to ginagawa? [Bridge] Hula-hulaan, hula-hulaan Hula-hulaan, hula-hulaan Hula-hulaan, hula-hulaan (Gusto lang ako 'pag nag-iisa) Hula-hulaan, hula-hulaan (Hanap lang ako 'pag nangangamba) (Hula-hulaan, hula-hulaan) Puro ka amba, nakakalito kang ibigin (Hula-hulaan, hula-hulaan) Kung 'di pa handa, ba't pabalik-balik sa 'kin? (Hula-hulaan, hula-hulaan) Puro ka amba, nakakalunod kang ibigin (Hula-hulaan, hula-hulaan) Kung 'di pa handa, ba't pabalik-balik sa 'kin? [Outro] Hulaan Anong panghahawakan? 'Di malaman-laman Gusto mo lang ako Sa 'yong pag-iisa
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Alvin Serito
- Janine