Apat Na Buwan

Album cover art for "Apat Na Buwan" by Janine (PHL)

Janine (PHL) - Pop, Alternative Pop

Apat Na Buwan

2 Plays

Duration: 3:38

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Apat na buwan lang minahal Apat na buwan ding nagtagal Ating pabalik-balik Na pahiwatig sa isa't isa Apat na buwan kang sumandal At hinayaang tumagal Noo'y pabalik-balik ka Ngayo'y parang 'di ako kilala [Pre-Chorus] Alam na'ng dapat gawin Sa alanganing pagtingin Itong usbong ng damdamin Kalimutan [Chorus] Heto ako nag-iisa Namamalagi sa pag-asa Sa baka sakali nating dalawa Balik sa ating simula Ba't sa pag-iisa Ikaw lang ang tanging nadadama Oh, 'di magpapahalata Habang ika'y nasa iba Ako'y nasa'ting umpisa [Verse 2] Inibig ka nang totoo Sa bawat segundong kinailangan mo Inibig mo 'ko sa gabi lang 'Pag sarado na'ng mga pinto Bakit mo pa 'ko inangkin Kung iibigin lang nang patago? [Pre-Chorus] 'Di ka na babanggitin Palihim tatangappin Itong usbong ng damdamin Kalimutan [Chorus] Heto ako nag-iisa Namamalagi sa pag-asa Sa baka sakali nating dalawa Balik sa ating simula Ba't sa pag-iisa Ikaw lang ang tanging nadadama Oh, 'di magpapahalata Habang ika'y nasa iba Ako'y nasa'ting umpisa [Instrumental Break] [Bridge] Sinubukan ko naman Walang maramdaman Oh, sana nga wala akong pakialam Oh, sana nga wala na lang akong pakialam [Chorus] Heto ako nag-iisa Namamalagi sa pag-asa Sa baka sakali nananatili At sa pag-iisa Ikaw lang ang tanging nadadama Oh, 'di mo ba sinasadya Habang ika'y nasa iba Ako'y balik sa umpisa

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Janine