Ang Awit Natin

Lyrics
[Verse 1] Minsan sinabi natin Walang ibang mamahalin Tulad ng himig ng hangin Dati 'ko nang napapansin Naririnig ko sa awit ang buhay natin [Verse 2] Biglang nag-iba ang buhay Nagkasundong maghiwalay Ipilit man, 'di na sanay 'Di magtagpo mga kamay Pangako ng awit noon ay hindi nabigay [Chorus] Mahirap mangako na 'di na kita iisipin Wala ring mapapala kung uulitin lang natin Ngayon ay aking aaminin Sa isip na lang kita makakapiling Tuwing maririnig ang awit natin [Verse 3] Lumipas na ang sandali Iba na rin ang katabi Tuwing 'di makatulog sa gabi Ay inaawit kong muli Kahit wala ka, bigla 'kong napapangiti [Chorus] Mahirap mangako na 'di na kita iisipin Wala ring mapapala kung uulitin lang natin Ngayon ay aking aaminin Sa isip na lang kita makakapiling Tuwing maririnig ang awit natin [Instrumental Break] [Chorus] Ngayon ay aking aaminin Sa isip na lang kita makakapiling Tuwing maririnig Tuwing maririnig Tuwing maririnig ang awit natin
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jazz Nicolas & Wally Acolola