Kaibigan, Kapanalig

Lyrics
[Verse 1] Ang atas ko sa inyo, mga kaibigan ko Ay magmahalan kayo tulad ng pagmamahal ko sa inyo May hihigit pa kayang dakila sa pag-ibig na laang Ialay ang buhay alang-alang sa kaibigan Kayo nga'y kaibigan ko kung matutupad ninyo ang iniaatas ko [Verse 2] Kayo'y 'di na alipin, kundi kaibigan ko Lahat ng mula sa Ama'y nalahad ko na sa inyo Kayo'y hinirang Ko, 'di Ako ang hinirang n'yo Loob kong humayo kayo at magbunga nang ibayo [Outro] Ito nga ang s'yang utos ko na bilin ko sa inyo "Magmahalan kayo, magmahalan kayo"
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)
Loading comments...
Credits
- Writers
- Traditional