Hesus Na Aking Kapatid

Lyrics
[Verse 1] Hesus na aking kapatid, sa lupa nami'y bumalik Iyong mukha'y ibang-iba, hindi kita nakikilala Dulutan mo aking mata, mamulat sa katotohanan Ikaw Poon makikilala sa taong mapagkumbaba [Verse 2] Hesus na aking kapatid, putikin man ang Iyong sapin (Hesus na aking kapatid, putikin man ang Iyong sapin) Punit-punit ang Iyong damit (Punit-punit ang Iyong damit), nawa ika'y mapasa-akin Dulutan mo aking mata, mamulat sa katotohanan (Dulutan mo aking mata, mamulat sa katotohanan) Ikaw Poon makikilala sa taong mapagkumbaba [Verse 3] Hesus na aking kapatid, sa bukid ka nagtatanim (Hesus na aking kapatid, sa bukid ka nagtatanim) O sa palengke rin naman (O sa palengke rin naman) Ikaw ay naghahanap-buhay Dulutan mo aking mata, mamulat sa katotohanan (Dulutan mo aking mata, mamulat sa katotohanan) Ikaw Poon makikilala, ikaw Poon makikilala Ikaw Poon makikilala sa taong mapagkumbaba
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Fr. Eduardo Hontiveros SJ