Dakilang Pag-ibig

Album cover art for "Dakilang Pag-ibig" by Himig Heswita

Himig Heswita - Pop, Philippines

Dakilang Pag-ibig

11.5K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Refrain] Dakilang pagibig, saan man manahan D'yos ay naroon, walang alinlangan [Verse 1] Tinipon tayo sa pagmamahal ng ating poong si Hesus Tayo'y lumigaya sa pagkakaisa sa haring nakapako sa krus [Refrain] Dakilang pagibig, saan man manahan D'yos ay naroon, walang alinlangan [Verse 2] Purihi't ibigin ang ating D'yos na S'yang unang nagmamamahal Kaya't buong pagibig rin nating mahalin, ang bawat kapatid at kapwa [Refrain] Dakilang pagibig, saan man manahan D'yos ay naroon, walang alinlangan [Verse 3] Iwasan lahat ang pagkapoot, pag-aalinlanga't yamot Sundin ang landasin ni Hesukristo, at ito'y halimbawa ng D'yos [Refrain] Dakilang pagibig, saan man manahan D'yos ay naroon, walang alinlangan [Verse 4] Mapalad ang gumagalang sa D'yos at sumusunod sa kanya Tatamasahin n'ya ang kanyang biyaya, pagpalain siya't liligaya [Refrain] Dakilang pagibig, saan man manahan D'yos ay naroon, walang alinlangan

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Fr. Eduardo Hontiveros SJ