Awit ng Paghahangad

Album cover art for "Awit ng Paghahangad" by Himig Heswita

Himig Heswita - Pop, Philippines

Awit ng Paghahangad

8.9K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

[Verse 1] O, Diyos, Ikaw ang laging hanap Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad Nauuhaw akong parang tigang na lupa Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga [Verse 2] Ika'y pagmamasdan sa dakong banal Nang makita ko ang 'Yong pagkarangal Dadalangin akong nakataas aking kamay Magagalak na aawit ng papuring iaalay [Chorus 1] Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay Sa lilim ng Iyong mga pakpak Umaawit akong buong galak [Verse 3] Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo Kaligtasa'y tiyak kung hawak Mo ako Magdiriwang ang Hari, ang Diyos Siyang dahilan Ang sa Iyo ay nangako, galak yaong makakamtan [Chorus 2] Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay Sa lilim ng Iyong mga pakpak Umaawit, umaawit Umaawit akong buong galak

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Fr. Charlie Cenzon SJ