Nariyan

Album cover art for "Nariyan" by Hangad

Hangad - Pop, Philippines

Nariyan

2 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

Pwede rin namang hindi tayo nagkatagpo Pwede rin namang iba ang tawag ng puso Pwede rin namang sariling tinig ay 'di na tuklasan Pwedeng wala ngunit nariyan Pwede rin namang walang mga titik at himig Pwede rin namang walang gustong makarinig Pwede rin namang walang naidulot ang bawat hakbang Ngunit may ro'n, anong dahilan? Pwedeng hindi; bakit oo? Pwedeng ganon; bakit ganito? Sa lawak ng pagpipilian, bakit kaya tayo ang nariyan? Nariyan? Nariyan? Nariyan? Sunod-sunod, nag uumapaw! (Nariyan!) Walang patid, nakamamangha! (Nariyan!) Pag-ibig n'yang nakasisilaw! 'Pagkat sa bawat nariyan, siya ang sanhi at simula Lahat, lahat, lahat ay biyaya! Pwede rin namang hindi umalab ang sindi Pwede rin namang hindi sumibol ang binhi Pwede rin namang matagal nang nakaabot sa hangganan Ngunit narito, naroon, nariyan! Pwedeng hindi; ngunit oo! Pwedeng ganon; ngunit ganito! Kaya ngayon, walang sawang nagdiriwang tayo Sa ngalan ng Diyos ng nariyan! Nariyan! Nariyan! Nariyan!

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Paulo Tirol