Awit ng Pag-Asam

Lyrics
[Verse 1] Tulad ng usang uhaw sa tubig ng batis Ang aking kaluluwa sa Yo'y nananabik Sa Iyong dambana ako'y aawit, sasamba Tanging hangad ng buhay ko'y Ikaw, walang iba [Chorus] Ikaw lang Panginoon, lakas ko't tanggulan Pusong tigib sa hirap, Ikaw ang tanging asam [Verse 2] Ang pagod kong diwa ay Iyong pahupain Magdamag na pagtangis sana ay aliwin Masdan ang wangis kong hanap ang Iyong langit Bagabag na kalooba'y punan ng pag-ibig [Chorus] Ikaw lang Panginoon, lakas ko't tanggulan Pusong tigib sa hirap, Ikaw ang tanging asam [Verse 3] Tulad ng usang uhaw sa tubig ng batis Ang aking kaluluwa sa Yo'y nananabik Sa Iyong dambana ako'y aawit, sasamba [Outro] Tanging hangad ng buhay ko'y Ikaw, walang iba Tanging hangad ng buhay ko'y Ikaw, walang iba
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Natt Dublin