Pagkakaibigan

Album cover art for "Pagkakaibigan" by Hangad

Hangad - Pop, Christian Contemporary Music

Pagkakaibigan

64.5K Plays

Duration: 3:28

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Ang sino mang sa Aki'y mananahan Mananahan din Ako sa kanya At kung siya'y mamunga nang masagana S'ya sa Ama'y nagbigay ng karangalan [Chorus] Mula ngayon, kayo'y Aking kaibigan Hinango sa dilim at kababaan Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili n'yang buhay Walang hihigit sa yaring pag-aalay [Verse 2] Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama Sa inyo'y Aking ipinadarama Sa pag-ibig Ko, kayo sana ay manahan At bilin Ko sa inyo ay magmahalan [Chorus] Mula ngayon, kayo'y Aking kaibigan Hinango sa dilim at kababaan Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili n'yang buhay Walang hihigit sa yaring pag-aalay [Verse 3] Pinili ka't hinirang upang mahalin Nang mamunga't bunga mo'y panatilihin Humayo ka't mamunga nang masagana Kagalakang walang-hanggang ipamamana [Chorus] Mula ngayon, kayo'y Aking kaibigan Hinango sa dilim at kababaan Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili n'yang buhay Walang hihigit sa yaring pag-aalay

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Fr. Charlie Cenzon SJ