Yakap

Lyrics
[Verse 1] Salamat at nand'yan ka pa Kahit nag-alisan na sila 'Di mo ako iniwan, hindi ka umalis 'Di mo tinalikuran, hindi ka nainis Sinamahan mo ako Ngayong mag-isa ako Walang-wala nang ilalaan Dalang-dala, buti na lang [Chorus] Binuhat mo ako no'ng 'di ko na kaya pang tumayo Sa'king mga paa (Ah-ah-ah) Niyakap mo ako no'ng ang buhay ko'y tila gumuho Ayoko na [Rap Verse] Sa lahat ng aking mga nilapitan Hindi ka lumayo, ikaw ang nakapitan Ang tanging nasabihan ng lahat Mga hinanakit ko na kagat-kagat Buhat-buhat nila ang bigat, bakit ako lang ang may pasan? Laging salungat sa mga inaasam-asam Tibay mo ang siyang nagbibigay sa akin ng pag-asa Tuwing pait na lamang ang natitikman na lasa Sa buhay ko na madaya, sadyang mapanlinlang Kalungkutan sa ligaya ang tunay na matimbang Ang natitira na lamang ay ang kaisa-isang Karamay, aakayin ka na walang katuwang At hindi ka bibitawan kahit ga'no katarik Maglalaho ang sakit pagkatapos ng halik Wala nang bawian, pagkat 'di na pwedeng ibalik Ang ibibigay ko sa'yo'y sadyang walang kapalit Kahit masakit [Chorus] Binuhat mo ako no'ng 'di ko na kaya pang tumayo Sa aking mga paa (Ah-ah-ah) Niyakap mo ako no'ng ang buhay ko'y tila gumuho Ayoko na Binuhat mo ako no'ng 'di ko na kaya pang tumayo Sa aking mga paa (Ah-ah-ah) Niyakap mo ako no'ng ang buhay ko'y tila gumuho Kung meron lang iba [Outro] Sinamahan mo ako Ngayong mag-isa ako Walang-wala nang ilalaan Dalang-dala, dito na lang
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9