Alimpungatan

Lyrics
[Intro] Ayaw ko nang gumising pa [Chorus] ῾Di mo alam Kung ga'no ako kasaya ngayon Kung alam mo lang Ikaw ang langit ko magmula noon Dito na lang Ika'y pupuntahan sa'n man naroon Dahil ito lang Ang pangarap ko na natupad (ngayon) [Verse 1] Maliwanag ang sikat ng araw Kulay asul ang langit Sino ma'y walang makakaagaw Iyong mga kamay ang kapit Kahit ulanin man o umaraw Kapag malayo ay lalapit Dibdib ko'y nag-uumapaw Kayakap ka, 'yan ang sagot sa bakit Pero [Chorus] Hindi mo alam Kung ga'no ako kasaya ngayon Kung alam mo lang Ikaw ang langit ko magmula noon Dito na lang Ika'y pupuntahan sa'n man naroon Dahil ito lang Ang pangarap ko na natupad [Refrain] Ayaw ko nang gumising pa Pagkat ngayo'y kapiling ka Ayaw ko nang gumising pa Kapag ika'y kayakap na [Rap Verse] Dampi ng 'yong balat, init tuwing nasa 'king tabi Madilim ma'y maaaninag mo ang aking ngiti Halakhak ng tibok ng puso kong nakakabingi Kaligayahang dala mo na hindi nabibili Bukal ng labi mo lamang ang tanging makakapukaw Kahit magunaw, natutunaw, lumulusaw ng uhaw Ang halimuyak ng bulaklak mo, kahit walang pabango Hinahanap-hanap ko pagka lasing sa alak mo Kung alam mo lang ang siyang nararamdaman ko Kapag ako'y tinititigan nitong mga mata mo Walang lugar ang gustong puntahan, sa piling mo lamang Malayo man o malapit, kahit ano pang iharang Lahat ay kakayanin, bubuhatin sakin iatang Ikaw ang ikinakatakot at hugutan ng tapang Sa mga bisig ko ay iingatan, dito ka lang Kahit ano pang bumangga, harap man o paharang Mahulog man sa bangin ang kotseng sinasakyan natin Galing Banaue, hinahawi, dumagan na buhangin Hindi ako mumulat, ilang beses man na tawagin ῾Di bibitawan ang pangako na sinumpaan natin Ako lamang mag-isa naisalba, walang iba Bakit pa? Iiwan ka rin naman pala nila Ayaw ko nang gumising pa, alam ko na wala ka na Ayaw ko nang gumising pa sa katotohanan na–
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9