Idol

Lyrics
[Intro: Gloc 9] Kung alam mo lang kung sino ka sa buhay ko (Sana'y marinig mo 'to) Ikaw ang simula at ang papupuntahan ko (At 'yan ang totoo) Parang eroplanong papel na hinagis nang malakas Tangayin sana ng hangin sa landas [Chorus: Gloc 9] Papunta sa aking idol, idol, idol ko na rapper Ang angas ni idol, idol, idol ko na rapper May bago si idol, idol, idol ko na rapper Lahat ay gagawin upang matupad ang pangarap ko na makasama ka Kahit sa isang kanta [Verse 1: Hero] Idol, lodi, 'dol ('dol) Pwede ka ba na mag-sampol? (pol) O kaya, pwede pa-arbor (bor) Ng kanta kahit na love song? Gustong-gusto kasi kitang maka-kolab-o Talagang malupit parang 'di ka na tao 'Di nagtitipid, 'di rin nagigipit Ang tanong ko lang: (῾Dol, pwede pa-picture?) Sabi ng madami, mabait ka daw Legit ka raw, marunong magbalik-tanaw Napapa-wow ako sa kada spit, galaw Hindi sabaw kapag ikaw nagkakalaw Natatangay, lahat ay napapasabay Naglalaway kapag ikaw nagpapanday Nangangalay ako sa kakapalakpak Nagagalak na parang may alak sa hapagkainan Laging bundat sa kaalaman Kapag ikaw ang napapakinggan Sana magkaro'n ng pagkakataon na ikaw ay aking malapitan Magpapapirma sa tagiliran, ipapatattoo ko sa'king pinsan Nang hindi ka na mabura, nakatatak ka na sa'king puso at isipan [Pre-Chorus: Hero] Kung alam mo lang kung ga'no kaangas Kakalabasan ng kanta 'pag tayo nagsama 'Di mo man ako mapansin ngayon Gagalingan hanggang sa mahanap ang daan [Chorus: Gloc 9, Hero] Papunta sa aking idol, idol, idol ko na rapper Ang angas ni idol, idol, idol ko na rapper May bago si idol, idol, idol ko na rapper Lahat ay gagawin upang matupad ang pangarap ko na makasama ka Kahit sa isang kanta [Verse 2: G-Clown] Mga obra mo'y nasa memorya ko Kabisa ko lahat ng mga istorya mo Pati porma, damit at lonta ay kinokopya ko Idol, sa'yo suporta ko Ikaw ang dahilan kung bakit ginagalingan ko palagi Sana makasagi sa bahaghari At dumating ang pagkakataon sa kanta tayo ay pagtabihin Alam ko naman na imposible maganap Makaharap ko isa sa mga bituwin Sa ngayon, idadaan ko muna sa dasal Pero sisikapin ko doon makarating (Kahit kulang sasabihin) 'Di man ako mapabilang sa pinakamagaling Ay tutulayin ko't tutuparin Dahil sa musika mo ay nabago Pananaw ko bilang tao Na laging talo at kung bibilangin Ay 'di matanaw kung may bilang pa ba 'ko Salamat sa inspirasyon, dahil sa'yo, nakabangon ako't kumalag At pumalag sa mga hamong nakaamba sa aking paglalayag At sana dumating ang pagkakataon Na tayong dalawa ay magkasalo sa awitin Lahat ay gagamitin, ano man ang sapitin Wala akong paki maging alalay o alipin (alipin) [Pre-Chorus: G-Clown] Ikaw ang anito ko, ako ang anino mo O, idolo, ako'y nakahandang sumunod sa yapak [Chorus: Gloc 9, Hero] Papunta sa aking idol, idol, idol ko na rapper Ang angas ni idol, idol, idol ko na rapper May bago si idol, idol, idol ko na rapper Lahat ay gagawin upang matupad ang pangarap ko na makasama ka Kahit sa isang kanta [Verse 3: Ramdiss] Sana madinig mo ang mga nagawa kong awit Ito ay bunga ng paghanga ko sa'yo at matinding pagkahumaling Lahat ng oras kong natitira ay sa'yo ko lang ibinabaling Kahit na parang ang pagkatao ko ay unti-unti nang kinakain Ng pagkasabik at pagkalulong ko sa'yo Ayaw kang mawala sa mata ko Gusto ko na mapunta sa tabi mo Kahit ayaw mong mapunta sa tabi ko 'Di ako mapakali, nagmadali, nagpadala ng mensahe Tumawag ako, sinagot sandali, pero wala namang sinabi Pagkababa ng telepono, tila mas lalong tumindi ang Kagustuhan ko na makita't makasama ka, para na akong nahihibang Kaya inalam ko kung saan ka umuuwi't nakatira Kung saan at kailan ka ulit maiimbita Kung ayaw ng tadhanang pagtagpuin tayong dalawa Hindi na'ko aasa, ako na mismo ang gagawa Ng paraan, kaya tinambangan Ko ang iyong tagamaneho sa paradahan Inantay kong tumalikod bago ko siya bakbakan Sinuot ko damit niya, sabay upo sa harapan Ng sasakyan, tsaka ka inabangan Pagpasok mo sa loob, agad kitang sinarahan Pinatakbo nang mabilis na parang siga sa daan Habang tumutunog ang kanta kong 'di mo pinakinggan Antagal ko na inasam na makasama ka man lang Ang tangi kong hinihiling kahit sa isang kanta lang "Itigil mo na 'to, o parang awa mo naman" Ngayon, anong pakiramdam na hindi pinapakinggan? Hindi na 'to mangyayari kung sana pinabayaan Mo man lang ako na ikaw ay aking makakamayan Ngayon ay habang buhay mo 'kong papakisamahan Dahil magsasama na tayo hanggang sa kamatayan, idol
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9
- G-Clown
- Ramdiss
- Hero (PHL)