Tinda ni Linda

Lyrics
[Chorus] Walang makakapantay sa luto mo, Linda Laging nag-aabang sa ulam mong tinda Huling-huli mo ang panglasa ko Bumabalik-balik na parang halik sa labi ko ang pansit mo [Verse 1] Walang kapares ang pares Mapapalodyis sa bopis 'Di malansang kalamares Sa suka, toyo, sili, kamatis (Timpla mo'y) Tamang-tama lang, 'di labis ang siyang nalalasahan ko Sana'y matikman kong muli ang panalong dinuguan mo (Kahit anong gawin nila, sadyang) [Chorus] Walang makakapantay sa luto mo, Linda Laging nag-aabang sa ulam mong tinda Huling-huli mo ang panglasa ko Bumabalik-balik na parang halik sa labi ko ang pansit mo [Refrain] Ngunit bakit 'pag nagsasara ka na Sa gabi'y kayakap mo'y iba-iba? May isang bagay pang nakapagtataka Ewan ko, parang may ibang kwento 'to [Verse 2, rap] Hindi ko na napigil ang sarili nagtapat Nabighani mo ako kaya sinabi ko lahat Ikaw ang kwento ng pag-ibig, ngalan mo ang pamagat Nang mapungay mong mata ang sa akin ay kumindat Nagpahatid ka sa akin, inalok ng tsaa Tinitigan mo ako mula ulo hanggang paa Umapaw ng pagtataka, ang bibig ko ay bumula Kakaiba sa mga ulam mong tinda, alam ko na Pinakbet mo si Ambet, tapos nilaga mo si Nilo Inadobo si Badong, at minenudo mo si Dindo Bakit sinisig mo si Cisiro, kinilawin si Edwin? Akala ko kambing itong kalderetang Karding Inigado niya si Guido, crispy pata na si Aga Kumukulong sabaw, sinigang na Atoy sa tasa Utak sa sopas na may kakaiba sa panglasa Kaya naman pala gano'n kalapot ang 'yong sarsa Binulalo si Paulo, inihaw si Gardo Mga putahe sa karinderya mo na palaging garbo Ako na minechado, suki na ganado Mga buto ko na pinakain mo sa aso [Refrain] Ngunit bakit 'pag nagsasara ka na Sa gabi'y kayakap mo'y iba-iba? May isang bagay pang nakapagtataka Ewan ko, parang may ibang kwento 'to [Chorus] Walang makakapantay sa luto mo, Linda Laging nag-aabang sa ulam mong tinda Huling-huli mo ang panglasa ko Bumabalik-balik na parang halik sa labi ko ang pansit mo [Outro] Bumabalik-balik na parang pansit sa labi ko ang halik mo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9