Sagip

Lyrics
Hello, hello, tsong? Gising ka pa? May naisip kasi akong kanta na pwede kong gawin eh Pero... d'yan ka lang ah? Gusto ko kasing sumayaw eh [Intro] Panibagong araw na naman Bakit sadyang kulang sa pagbabago? Hanapin ma'y 'di ko matagpuan 'Di pa lumilitaw ay naglalaho [Refrain] Ang swerte na tila 'di sa'kin nakalaan Depende, bihira, madalas ay, tsaka na lang [Verse 1] Tirik ang araw sa Quiapo, tanghaling tapat Daming naglalakad (Lahat) pinipintahan ko Parang langaw na dumapo Kahit na mabaho sa basurahan Hanggang sa naispatan ko Isang ale na may edad Alahas nakalantad Mabilisang delehensya 'to (Kaya) Tinutukan ko agad Kwintas, singsing, akap na bag Tapos ay karipas ng takbo [Refrain] Ang buong akala ko nakatakas na ako Hindi pala, merong parak na nakatambay sa may kanto, pa'no 'yan? Kahit hinihingal ay kailangan ko pang bilisan [Post-refrain] Kadalasan naman ay hindi sila ganyan 'Pag humabol ang masahol Ay nasukol ako sa eskenitang masikip May narinig akong putok kaso hindi hagip Tinamaan ako sa paa Naloko na, basta 'Di ako pahuhuli ng buhay (Hay,hay,hay) [Verse 2] Hinintay ko syang makalapit Para maagaw ang baril na kapit Tila agilang dumagit Mapapalaban sya talaga Nagpambuno kaming dalawa Bumunot sya ng kutsilyo Itinarak nya, wala akong nagawa Kinagat ko sya ng pustiso [Refrain] Buo-buong dugo, basa na'ng uniporme nya Sino ang maglalaba? Hanggang sa naramdaman ko ang mainit Na tinggang pumasok sa'king dibdib Hindi ako makahinga na tila may nakasakal sa aking leeg [Bridge] Ako'y lulan ng ambulansya Aabot pa kaya sa Gracia? Kaso trapik sa EDSA, lagi naman Magdala ng pasensya, 'la nang laman [Outro] Nakarating din sa wakas Pinto'y agad ibinukas Ang buhay ko'y iniligtas Para bang nanggaling sa taas Gulat sa'king mata'y bakas Dagundong ng puso'y lumakas Kasagutan na pilit kong hinanap Nung bigla sa aki'y humarap Doktorang may edad na aking hinoldap...
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9