Walang Natira

Lyrics
[Chorus: Sheng Belmonte] Napakaraming guro dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming nars dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? [Post-Chorus: Sheng Belmonte, Gloc-9] Nag-aabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-aabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-aabroad sila [Verse 1: Gloc-9] Lupa kong sinilangan, ang pangalan ay 'Pinas Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas? Nauungusan ng batas parang inamag na bigas Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas Tumatakbo ng madulas, mga pinuno ay ungas Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas Mga kabayan natin na lumilipad, lumalabas Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli Ang pahinga'y iipunin para magamit pag-uwi Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri Mabahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti Ng anak na halos 'di nakilala ang ama O ina na wala sa tuwing kaarawan nila Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na [Chorus: Sheng Belmonte] Napakaraming inhinyero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming karpintero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? [Post-Chorus: Sheng Belmonte, Gloc-9] Nag-aabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-aabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-aabroad sila [Verse 2: Gloc-9] Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan Ng mahal sa buhay, ang sugal ay tatayaan Isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari Mababawi rin naman, 'yan ang sabi 'pag nayari Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano O barko kahit saan man papunta Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino Lilisanin ang pamilya, aamo kahit na sino? Gugutumin, sasaktan, malalagay sa peligro Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na [Chorus: Sheng Belmonte] Napakaraming kasambahay dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming labandera dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? [Post-Chorus: Sheng Belmonte, Gloc-9] Nag-aabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-aabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-aabroad sila [Verse 3: Gloc-9] Subukan mong isipin kung gaano kabigat Ang buhat na maleta, halos hindi mo na maangat Ihahabilin ang anak, para 'to sa kanila Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba Matapos lamang sa kolehiyo, mututubos din ang relo Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo Matagal pa kontrata ko, titiisin ko muna 'to Basta ang mahalaga, ito'y para sa pamilya ko [Chorus: Sheng Belmonte] Napakaraming guro dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming nars dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? [Post-Chorus: Sheng Belmonte, Gloc-9] Nag-aabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-aabroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman [Outro: Sheng Belmonte] Napakaraming tama dito sa atin Ngunit bakit tila walang natira?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9