Baon

Lyrics
[Gab Chee Kee:] Mula nang makilala ka 'Di na ako nakawala Saan-saan ng dumaan Hindi pa rin kita natatakasan Kahit saan ang magpunta Parang ikaw ang nakikita At kung ako'y mapatingin Bigla na lang naglalaho Na parang hangin [Chorus: Gab Chee Kee] Lagi kitang dala-dala Kahit nasa'n ka ngayon sa bawat pagkakataon Iniisip pa rin kita Kahit nasaan ka pa lagi kitang dala-dala [Gloc-9] Ikaw ang lagi kong kasama kahit saan pumunta Kahit saan makarating kung nando'n ako naro'n ka Sa may Quiapo, sa Lawton, papunta ng Luneta Naglalakad sa Roxas Boulevard sa may Cuneta Astro Dome dire-diretso sa may Baclaran Sa simbahan tuhod ang gamit-gamit sa nilakaran Na sahig pagkatapos sumakay ng bus na medyo Siksikan at mainit pamaypay lang ang remedyo Mama para sa tabi, bababa na po kami Bumili ng malamig kasi nauhaw na kami Habang kami nag-aabang sa ilalim ng Alabang Ang tanghalian ay manggang sinawsaw lang sa alamang Dinaanan ang Sucat pagkatapos Bicutan Biglang may sumigaw na babae sabi nadukutan Kahit anong gawin nyo basta okay lang ako Kasi kasama ko lagi ang pinakamamahal ko [Chorus: Gab Chee Kee] Lagi kitang dala-dala Kahit nasa'n ka ngayon sa bawat pagkakataon Iniisip pa rin kita Kahit nasaan ka pa lagi kitang dala-dala [Gloc-9] Nang sumapit ang gabi dumaan sa may Ayala Gusto mo maghapunan? Sige maya-maya na Ituro mo lang sa akin kung meron ka nang napili Sa Greenbelt o Glorietta gamitin mo ang 'yong daliri Bakit wala kang kibo, galit ka pa rin ba sa akin? May liham ako sa'yo eto subukan mong basahin Sa loob ng MRT kasi ang traffic sa EDSA Makakaupo ka rin pagdating sa Araneta Bumaba sa Quezon Ave., uy may shooting sa flyover Paborito mong artista na palaging nasa cover Wala ka bang makita kasi ang daming tao Sige halika dito may naisip akong plano Kumapit ka lang sa akin 'wag na 'wag kang bibitaw Teka medyo mataas 'wag na 'wag kang sisigaw Kahit anong gawing nyo basta okay lang ako Kasi kasama ko dito ang pinakamamahal ko [Chorus: Gab Chee Kee] Lagi kitang dala-dala Kahit nasa'n ka ngayon sa bawat pagkakataon Iniisip pa rin kita Kahit nasaan ka pa lagi kitang dala-dala [Gloc-9] Nakita na nila ako kasalanan mo kasi Ako'y pinagpalit nahuli kita nung isang gabi Napaaga ang pagdating at sa butas ng dingding Aking nalaman na ang iyong budhi ay maitim Parang sugat na may asin mahal bakit mo naatim Ako'y niloko, tinoyo, tinoyo naging malagim 'Wag mo nang isipin yon dahil di na siya babalik 'Di na rin gigising yon kahit pa sa isang halik 'Di na tayo maglalayo hindi na maghihiwalay Dahil kalahati ng aking buhay ay nasa yong kamay Patawarin mo ako kung sinaktan man kita Pero matapos ang lahat ay hinagkan naman kita Halika sumama ka sa'kin sabay tayong tatalon Hindi ka ba naiinitan sa loob ng pantalon Di ka sa'kin mawawala kahit na sinong pumusta Kasama ng isang singsing ikaw ay nasa 'king bulsa kaya [Chorus: Gab Chee Kee] Lagi kitang dala-dala Kahit nasa'n ka ngayon sa bawat pagkakataon Iniisip pa rin kita Kahit nasaan ka pa lagi kitang dala-dala [Outro: Gab Chee Kee] Mula nang makilala ka 'Di na ako nakawala
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9
- Gab Chee Kee