Atik Laham

Lyrics
Chorus: Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Sasabihin ko na mahal kita Nahukay ang pantay na lupa Nag-alisan ang mga tao Tumigil ang mga iyakan 'Di kailangan ng kabaong At mga ilaw na may sindi kahit tanghaling tapat Talulot ng mga bulaklak sa sahig kalat-kalat Sinoli sa funeraria ang hiniram na bentilador Sinabing 'di na namin kailangan ng embalsamador Tumigil ang pagdurugo, naghilom ang mga sugat Ang mga nayuping bakal ay dahan-dahang naunat Walang naulat na nasawi o kahit nasaktan Lumabas sa ospital na saki'y pinagdalahan Nasa loob ng sasakyan sa kalsada'y walang sagabal Ang dating mabilis na takbo ng kotse'y bumagal Alam ko ako'y galit bakit ngayon ay huminahon Pilit kong tinatandaan anong nangyari kahapon Dumating ako sa amin walang tao sa labas Nang biglang ang nakasarang pintuan ay bumukas Chorus: Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Sasabihin ko na mahal kita Pumasok sa loob ng bahay ngunit bakit ang tahimik Iba ang pakiramdam parang ako'y nananaginip Nang aking nakita kinilabutan ako'y napapikit Umiikot ang segundo sa relo ng pabalik Lumapit ang aking anak kumapit sa aking kamay At sinabi sakin buti bumalik ka itay Kawawa naman si inay nasa kwarto walang kasama Lumakad at pinuntahan ko ang aking asawa Nakalupagi sa sahig matay namumugto Hindi ko malilimutan ang mga sumunod na yugto Mga nagkabasag-basag na salamin ay nabuo At umaagos na luha sa kanyang mata'y natuyo Bakit hindi kumikibo 'di naman nagbibiro Ako'y kanyang minamasdan tingi'y hindi lumiliko Bigla kong naalala ang sigawan at ang tulakan Parang balong puno ng tubig lahat ay natandaan Chorus: Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Sasabihin ko na mahal kita Alas kwatro ng madaling araw ay umuwing lasing Dinadaan-daanan lang kita't hindi pinapansin Hindi mo na kayang tiisin parang mata na may puwing Nang ako'y iyong tanungin aking paningin ay nagdilim Parang malapot na dura ang lumabas na salita Aking sagot sa 'yong tanong ay kumikirot na pasa Ako'y lumayas tumakas maangas ang pagmumukha Na parang ahas matalas ang malas kapag tumuka Halos wala na 'kong buhay nang ako'y datnan sa ospital Gusto ko lang malaman mo kung pwede lang mangumpisal Paano mag-uumpisa aminin bawat isa Pagtalikod sa pangako natin sa isa't isa Sa 'ting pagsasama ika'y aking isinantabi Ngunit sa kabila ng lahat ika'y nasa 'king tabi Mahirap o madali, umaga man o gabi Ang ako'y mapagsilbihan hindi ka nagmamadali Alam kong lahat ng nagawa ko sa iyo'y kabaliktaran Ng tunay kong naramdaman para sa iyo nasayang lang Nais ko mang malaman mo ngunit lahat ay huli na Bago masabi ako'y nalagutan ng hininga Chorus: Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon Sasabihin ko na mahal kita Sasabihin ko na mahal Ki– ki– ki– ki–kita A- a- atik mahal A- a - atik mahal A- a- atik mahal
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9