Akin Lang Naman

Album cover art for "Akin Lang Naman" by Gloc-9 & G-Dawg & Gordon Lambatan

Gloc-9 & G-Dawg & Gordon Lambatan - Rap, Pop

Akin Lang Naman

2 Plays

Duration: 2:37

View Album

Lyrics

'Wag mo 'kong pansinin 'Wag mo 'kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman 'Wag mo 'kong pansinin 'Wag mo 'kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman Dedma, yan ang dapat mong gawin 'Pag narinig ang bawat salita Na basa ng laway sa aking bibig Na aking dinudura sa mga pagmumukha Ilan ba ang natutuwa kapag ako ang tumula Wala naman naisip ko lamang bigla, ano kaya? Kung isang araw ako ang siyang kumabig ng taya Sa sugal na kung tawagin na ito'y pulitika Malamang sa malamang kung 'di kilala lugi ka Kaya't ang mabuti pa'y ipaubaya mo na sa 'kin Ang hindi mo nakikita, susubukan kong baguhin Isang araw lang naman ang iyong pagpapahiram Ng kapangyarihang ang nakahawak lang ay ilan Hindi tama ang magbintang, subukan nating magbilang Ilang taon ang dumaan, bakit napag-iiwanan 'Di ko po kayo pinangungunahan, o dinidiktahan Dahil ang mga sinasabi ko'y akin lang naman 'Wag mo 'kong pansinin 'Wag mo 'kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman 'Wag mo 'kong pansinin 'Wag mo 'kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman Alam kong 'di ito madali at medyo mabigat Pero kung susumahin ang importante lang sa lahat Ay marunong kang maawa sa mga naghihirap Minsan kailangang sumagot kahit walang kausap Nang wala nang batang namamalimos at nang-aapak Walang umiiyak dahil kinabukasan mo'y tiyak Libre ang makapag-aral, hustisiya'y di mabagal Ang mawalan ng pera sa ospital ay hindi sagabal 'Wag mo 'kong pansinin 'Wag mo 'kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman 'Wag mo 'kong pansinin 'Wag mo 'kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman Kung ako ang presidente, busog ka na sa bente Ang lahat ay pantay-pantay, iskwater man o disente Lahat ay may bubong, lahat ay may dingding Kung walang makain, hindi magsasangla ng singsing Dahil ang pasweldo ay tama sa mga manggagawa Sa dagdag-sahod ay 'di kailangang magmakaawa Mga lagay-lagay, perang tangay-tangay Kapag napatunayan, ikulong lahat sabay-sabay Kasi walang maya-mayaman, dapat maya-maya lang Tinuturuan ng leksyon, mga maya-mayabang Mga abusado sa kagawaran ng gobyerno Nag-aagawan lang sa pwesto mahawakan lang ang porsyento Pero, kahit suntok sa ulap, baka ika'y mamulat Kinakalawang na pinto sabay nating itulak Laging tandaan 'di ko po kayo dinidiktahan Dahil ang mga sinasabi ko'y akin lang naman 'Wag mo 'kong pansinin 'Wag mo 'kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman 'Wag mo 'kong pansinin 'Wag mo 'kong pakinggan Pagkat ang sinasabi ko Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9