Utang Clan

Album cover art for "Utang Clan" by Gloc-9

Gloc-9 - Rap, Hip-Hop

Utang Clan

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Chorus] Utang ay utang, kusang lumutang Huwag kang magulang, dapat 'di kulang Kahit hulugan, nakalimutan Medyo magulang, bakit ka nagtatago? Utang ay utang, kusang lumutang Huwag kang magulang, dapat 'di kulang Kahit hulugan, nakalimutan Medyo magulang, palagi na lang bigo [Verse 1] Makinig sa kuwento, 'di to inimbento Nangyayari sa buhay, depende sa porsyento Na kasali, madami, nadali, iisang finale Pwedeng ale, lalaki, may-ari, lahat ay kasali Walang pinapatawad 'pag alam na matulungin ka Lalatagan ka na lang ng pain, tutuhugin ka Totropahin, bobolahin, laging pupurihin ka Mabubulaklak na mga salita, pupunuin ka Tapos biglang may magkakasakit, sa 'yo unang kakalabit Panay-panay ang bili ng bagong sapatos at damit Teka lang, kailan mo nga ako babayaran ulit? Biglang kakaripas ng takbo na pinakamalupit 'Di mo na makita kahit sa kanila Pero panay ang post na siya palagi ang pabida Puro lang salida, tila wala namang bisa Parang takong 'di natisa, malakas pero mahina Hoy! [Chorus] Utang ay utang, kusang lumutang Huwag kang magulang, dapat 'di kulang Kahit hulugan, nakalimutan Medyo magulang, bakit ka nagtatago? Utang ay utang, kusang lumutang Huwag kang magulang, dapat 'di kulang Kahit hulugan, nakalimutan Medyo magulang, palagi na lang bigo [Verse 2] Bakit ka ganyan? Sana'y hiningi mo na lamang 'Kala ko'y kakampi ka, yun pala ay kalaban Tinulungan ka na nga, ako pang sinangkalan Bibitawan, iiwanan, at agad na tatapakan Tapos 'pag kaharap ay tila ikaw pa ang nalugi Puwede sa iba, pero hindi sa 'yo ang sisi Kahit anong haba ay mauubos ang pisi Mahirap ang magtimpi, parang pinipigil na ihi Huwag mong sisirain ang sarili mo sa pangako Na hindi mo kaya na tuparin at mapapako Mga baga sa apoy na sadyang nakakapaso Ang ganyang ugali, baka sakali, ay itago Huwag nang ilabas at nang hindi na pamarisan Kahit na maligo ng alahas at bihisan Dahil sa pag-iwas, panalo ka sa pabilisan Kailan ma'y 'di mo ikayayaman 'yan, kaibigan [Chorus] Utang ay utang, kusang lumutang Huwag kang magulang, dapat 'di kulang Kahit hulugan, nakalimutan Medyo magulang, bakit ka nagtatago? Utang ay utang, kusang lumutang Huwag kang magulang, dapat 'di kulang Kahit hulugan, nakalimutan Medyo magulang, palagi na lang bigo Utang ay utang, kusang lumutang Huwag kang magulang, dapat 'di kulang Kahit hulugan, nakalimutan Medyo magulang, bakit ka nagtatago? Utang ay utang, kusang lumutang Huwag kang magulang, dapat 'di kulang Kahit hulugan, nakalimutan Medyo magulang, palagi na lang bigo [Outro] Kapag umutang ka ay hindi lamang pera ang inutang mo Nangutang ka rin ng hiya, respeto, at pakikisama Depende na lang 'yan kung maibabalik mo nang buo

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9