Gatas at Asukal

Album cover art for "Gatas at Asukal" by Gloc-9

Gloc-9 - Rap, Hip-Hop

Gatas at Asukal

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Intro] Tuloy-tuloy ang halo Ang kutsara sa loob ng tasa na bilog [Chorus] Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi Para 'di mabanlian ang balat na makati Papalag kahit mainit na tubig lang at kape Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi Para 'di mabanlian ang balat na makati Papalag kahit mainit na tubig lang at kape [Verse 1] Ako si Aristotle, makatang taga-Rizal 'Pag may lapis at papel, tawagin mong kriminal Kasi 'di puwede ang talas na tangan 'pag karibal Tuwing makikipagtalastasan, ay tila animal 'Di mahilig sa pasiklaban, ang pakay lamang ay Palawigin ang kasipagan upang makasabay Sa mga bago, humango, patong, puwedeng tumangay Ang gamu-gamong napaso, huwag ka lang palasuway Mas mahaba ang sungay ay mas madaling mababali Kapag nagbibigay-pugay ka, lagi mong mababawi 'Di na suweldo kundi karaniwan aking binali Tagalog na naiintindihan kahit anong lahi [Pre-Chorus] Ang timpla ko ay sa akin lang, matapang, 'di matabang Laging sigurado, garantisado, 'di malamang Binalikat, pinasan, mabigat, 'di magaan Kahit 'di abutan ng tinapay na may palaman [Chorus] Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki (Tuloy-tuloy ang halo) Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi (Ang kutsara sa loob) Para 'di mabanlian ang balat na makati (Ng tasa na bilog) Papalag kahit mainit na tubig lang at kape Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki (Tuloy-tuloy ang halo) Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi (Ang kutsara sa loob) Para 'di mabanlian ang balat na makati (Ng tasa na bilog) Papalag kahit mainit na tubig lang at kape [Verse 2] Inutusan ni nanay na bumili sa tindahan Gatas at asukal, laruan na pinaglumaan Nang lumaon sa Maynila, ako ay napadaan Isang batang mga tula ang dala niyang kayamanan Kahit dehado sa iba, ako'y mukhang bagong salta Kinabisado nang husto ang kakantahin na kanta Peke na sapatos, damit ko na merong mantsa Sa mga tingin na parang 'di ako matantsa Nakapikit na tumawid, 'di baleng pabaliktad Kahit maalikabok, alam ko na makintab Ang pangarap na umaapoy, naglalagablab Ang basa ko sa pangmamata ay nakakadagdag [Pre-Chorus] Ang timpla ko ay sa akin lang, matapang, 'di matabang Laging sigurado, garantisado, 'di malamang Binalikat, pinasan, mabigat, 'di magaan Kahit 'di abutan ng tinapay na may palaman [Chorus] Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi Para 'di mabanlian ang balat na makati Papalag kahit mainit na tubig lang at kape Sige, tapangan mo lang, sa tasa na malaki (Tuloy-tuloy ang halo) Magpakulo sa kalan, ang magulo tumabi (Ang kutsara sa loob) Para 'di mabanlian ang balat na makati (Ng tasa na bilog) Papalag kahit mainit na tubig lang at kape (Pe) [Outro] Tuloy-tuloy ang halo Ang kutsara sa loob ng tasa na bilog

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9