Panulat Mo

Album cover art for "Panulat Mo" by Gloc-9

Gloc-9 - Rap, Hip-Hop

Panulat Mo

2 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Mabuti naman dumaan ka't bumisita Palagi kitang hinihintay sa tuwina Buong akala ko'y nakalimutan mo na Ang humawak at sumulat, paggamit ng pluma Ang mahalaga, ikaw ay nagbalik Parang tuyong pisnging uhaw na uhaw sa halik Ng tinta sa papel na dumidikit Simulan natin, ang mga mata mo'y ipikit [Chorus] Pintahan mo naman ako Kuwentuhan ng panulat mo (Kuwentuhan mo naman) Kay tagal nang 'di nadinig (Gusto kong muling matulig) Salitang tumatagos sa dibdib [Verse 2] Pumasok sa silid na puno ng agiw Sumasabay sa saliw Ng lumang tugtugin, kaya marahil Patutulisin ang panulat parang pangil Tumatahol, nauulol Pinupukol, bukol-bukol Magmimintis, sumasapul Maaga pa'y maghahabol [Chorus] Pintahan mo naman ako Kuwentuhan ng panulat mo (Kuwentuhan mo naman) Kay tagal nang 'di nadinig (Gusto kong muling matulig) Salitang tumatagos sa dibdib [Verse 3] Akala ko noon ay sapat na Lahat ng binigay, lahat ng pinusta Lahat ng inabot, lahat ng kinanta Minsa'y naglulustay, madalas nagsasalba Kasi alam ko na hindi naman ito tate 'Pag 'di ka nag-sube, iiyak kang uuwi Madalas mali ang tama, at ang tama ay mali Kung 'di mo pa rin nakuha, pakinggan na lang uli (Pakinggan sa tulay) [Bridge] Muli mong hawakan sa bewang ang lapis Gumuhit ng letrang 'di kulang o labis Umagos na oras, tuyo na ang batis Na nilusungan ko [Verse 4] Halika, hawakan mo ang aking kamay Ikaw na kasama ko no'ng ako'y sumasakay Sa likod ng jeep, nakasabit na ngalay At kahit masikip, magpipilit makasabay Makauwi nang maaga, matuyo ang labada Matagal pa ang sahod, baon magkasya pa sana Kahit wala pa sa giyera, nag-iipon na ng bala Ang mga kuwento na ito, alas ng mga baraha Sa bagong kabanata [Chorus] Pintahan mo naman ako Kuwentuhan ng panulat mo (Kuwentuhan mo naman) Kay tagal nang 'di nadinig (Gusto kong muling matulig) Salitang tumatagos sa dibdib

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9