Puyat

Album cover art for "Puyat" by Gloc-9

Gloc-9 - Rap, Hip-Hop

Puyat

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Kahapon pa ako kumain Medyo gutom na talaga Sikmura na puno ng hangin Kaya 'wag kang magtataka Kung may maamoy kang hindi kanais-nais Matrapik lang dito sa Magallanes Nanggaling pa kami sa Bicol Kantahang todo ang saya Tapos sobrang dami ng people (People, people) Umaga na nung sumampa [Pre-Chorus] Wala nang pahinga Maaga pa ang biyahe bukas Sumusuray na Unan at kama lang ang lunas [Chorus] Dapat wala kang masasabi Hataw lang palagi Lahat sasalangan ko Pero 'di na tulad ng dati Sana makabawi Tulog ang kailangan ko Sagad-sagaran ang diskarte Laban lang palagi Lahat lalapatan ko Kahit ga'no pa kaswabe Pass ako dyan, pare 'Di 'yan ang kailangan ko [Interlude] Gising, bangon, bangon [Rap Verse] Bumangon nang maaga, alas singko ang lipad Paglapag ng Dumaguete, sound check kaagad Sa larangan na ito bawal ang tatamad-tamad Kahit na saan, umulan man o mabilad Hindi makatulog kasi hindi ka makahiga Para kang bimpo na binasa tapos ay piniga Sinampay at naghihintay, sana magawa Nakatulala, baka may bumaba na himala (himala) Sa haba ng dumaang panahon Hanggang ngayon magmula noon Ito lamang ang syang hiniling Bakit bigla kang nagtatanong? Ang dami-daming dapat masagot Huwag kang mainip, bawal mabagot Kapag binitawan at 'yong iniwanan Ay may iba na makadadampot [Pre-Chorus] Wala nang pahinga Maaga pa ang biyahe bukas Sumusuray na Unan at kama lang ang lunas [Chorus] Dapat wala kang masasabi Hataw lang palagi Lahat sasalangan ko Pero 'di na tulad ng dati Sana makabawi Tulog ang kailangan ko Sagad-sagaran ang diskarte Laban lang palagi Lahat lalapatan ko Kahit ga'no pa kaswabe Pass ako dyan, pare 'Di 'yan ang kailangan ko

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9