Silup

Lyrics
[Hook : Denise Barbacena, Gloc-9] Mamang pulis, pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong? Dahil ako ay nadukutan Mamang pulis, pwede ba ako humingi sa inyo ng saklolo? Upang 'di ako malapastangan Lapastangan, lapastangan, lapastangan [Verse 1: Gloc-9] Ang pangalan ko ay SPO2 Ruben 'Di ako mukhang pera kaya wag mo kong utuin Tsapa ko'y aking dangal, hindi mo 'to kayang bilhin Pero meron din namang parang tulog kahit gising Sa kapangyarihan ay lasing, budhi na tila maitim Kapag kailangan ay tawagan, pero ba't kaya walang dumarating Eto, merong dalawa na para bang walang pakialam Sila pa ang pasimuno ng gulo Makikita mo sila, laging ginugulangan ang mga tiyang kumakalam Kasamaan ay sagad sa buto Kaya pinipihit ko, pinipilit kong baguhin ang mga nasa isip niyo 'Di lahat ng pulis ay may ugali na para bang sa demonyo Pero biro niyo, mga droga na-kolekta, ba't sila pumapatak Kung sasalain na lahat ng parak, malamang madami ang latak Pero meron pa kayang matuwid, nakakabilib, gumagawa ng mga tama Kasi madami, nakakatulig, malakas humilik parang mga sunog-baga Teka muna, tandaan mo 'to, ako'y pulis na 'di kurap Marami ring katulad ko, marunong lang ako mag-rap [Hook: Denise Barbacena, Gloc-9] Mamang pulis, pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong? Dahil ako ay nadukutan Mamang pulis, pwede ba ako humingi sa inyo ng saklolo? Upang 'di ako malapastangan Lapastangan, lapastangan, lapastangan [Verse 2: Gloc-9] Sangkot sa kotong at jueteng, isang tiwaling hepeng Laging nagpapalusot kung may padulas at may puwedeng Maibulsa ang mairing parak na parang butete loat Ano na bang nangyari do'n sa Kuratong Baleleng? Laging patay na ang bida bago lumabas sa eksena Kapag tinanong ng reporter ay iisa lamang ang linya Merong iba na sa TV ay tila nagpapatawa Kulang na lamang ay sumigaw ng, "Napapaligiran na kita!" Mga taong nabubulag na hindi mo na mabilang Paltik man o kwarenta y singko sa mga bewang Ang gamit upang hindi ipagtanggol ang maliit Bagkus ay nakatutok sa pagitan ng mga matang nakapikit Perang kinurakot niyo sa mga bako niyo Teka muna, asan ang mga takot niyo? Gaano na kakapal ang putik na dumungis sa mga pagkatao niyo? Meron pa kayang ilang mga pulis na 'di kurap? Silang mga katulad ko, marunong lang ako mag-rap [Hook: Denise Barbacena, Gloc-9] Mamang pulis, pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong? Dahil ako ay nadukutan Mamang pulis, pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo? Upang hindi ako malapastangan Lapastangan, lapastangan, lapastangan [Instrumental] [Outro: Gloc-9] Ang pangalan ko ay SPO2 Ruben 'Di ako mukhang pera kaya 'wag mo 'kong utuin Ang tsapa ko'y aking dangal, hindi mo 'to kayang bilhin Kahit ang pasuweldo sa'min ay ilang pisong duling [Hook: Denise Barbacena, Gloc-9] Mamang pulis, wede ba akong humingi sa inyo ng tulong? Dahil ako ay nadukutan Mamang pulis, pwede ba akong humingi sa inyo ng saklolo? Upang hindi ako malapastangan Lapastangan, lapastangan, lapastangan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9