Apatnapungbara

Album cover art for "Apatnapungbara" by Gloc-9 & Ian Tayao

Gloc-9 & Ian Tayao - Rap, Hip-Hop

Apatnapungbara

0 Plays

View Album

Lyrics

Language:

[Hook: Ian Tayao] Ako'y tutula, mahaba, naku, umupo na po Tapos na nga hugasan ang mga kamay ng mga makata Lahat na yata tayo ay makata Lahat na nga ba tayo ay makata? Ayy Gusto ko sanang maniwala [Verse: Gloc 9] Ikaw na naman, 'di ba kalalabas mo lang? Kung magsulat ka ng kanta, para bang papasko lang Tila lupang 'di tigang sa letra mong bilang Walang tigil sa pag-agos, pinapadulas mo lang Hindi naman super lolo, pero bakit sumasabog? Ang lahat nakuha mo, kahit 'di makapal ang apog Pinagmanhik-manaog, ibang klaseng Tagalog Parang alta-presyon sa kumakapal na batok Tapos na ang biruan, walang pala-palabok 'Wag kang gumamit ng baldeng butas sa pagsalok Magpaabot 'pag napagod, 'pag humagok magpadagok Laging handa sa pagsusulit kahit walang pasok Ang bata na inaral ang a-ba-ka-da E-ga-ha-i-la-ma-na-nga-o-pa-ra-sa-ta-u-wa-ya Kung 'di makasabay sa aking makakaya Bumaba ka sa aking pasada, "Mama, para" Ibalik ang bayad, sumayad ang speaker sa lakas Ng tunog, lumubog ang mga mapangahas Na humahamig kahit na hangin lang ang kinahig Nag-uunahan sa pagdampot ng putik at ipahid "Ako ang magaling," palaging sinisigaw Sa loob ng kaing na may kalburo ang manggang hilaw O kandilang tunaw, o itak na bingaw 'Pag pinagsama natin ang dalawa, oo, ikaw Matagal-tagal na rin po akong nagtatampisaw Sa tubig na kung minsan ay parang kanal sa hangin Kaya may oras na parang gusto kong bumitaw Ngunit salamat sa hindi nagdadala sa akin Pero aaminin ko, nakakapanghinayang Lisanin ang trabaho na kailangan mong tibayan Ang mukha mo, panibagong kabisaso na tula 'to Sa mukha mo, itaya mo pati pato, ano kamo? Bawat CD-ng nabenta mo, walang pang-limang piso Ang babalik sa'yo, teka, wala kang benepisyo Pero ayos lang kasi ito ang 'yong pinagdasal 'Di man kasing bango ng lahat ng nahahalal Mga nakakadinig, sila ang sumatotal Pagkakataong humukay ng panibagong bukal Na humuhubog sa isip ng mga batang may pangarap Kahit anong mangyari, 'wag kang bibitaw sa yakap [Hook: Ian Tayao] Ako'y tutula, mahaba, naku, umupo na po Tapos na ngang, hugasan ang mga kamay ng mga makata Lahat na yata tayo ay makata Lahat na nga ba tayo ay makata?

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9