Balak ni Syke

Lyrics
[Intro] Kung may alak, may balak Lasing sa kasalukuyan ngunit malaman ang alaala Gising at kasalukuyang malala na Nadala na sa nakaraang magdamag na baon sa pagtulog Bukas ang bakas ay maibabaon sa limot Eto ang mga kwento ng makata Basahin ang mga nasa gitna ng talata Siksik na parang delata, seksi parang dalaga Sorry, 'di na ako binata Ang mga kuwento ng makata Inumpisahan sa tulang pinamagatang "Balak" Isinulat na walang alak Laman lamang ng utak ang pinadaloy sa panulat Laman ng puso ang pangmulat na walang panggulat Simple lang, kabado, easy lang Kung busy, ngisi lang Kalmado, steady lang Ngayon ang panahon ng pagbubuhat ng sariling bangko, keri lang 'Di mo kailangan mag-Ingles para malaman nilang matalino ka 'Di rin naman kailangang managalog para malaman nilang Pilipino ka Pilipino ka, kalabaw ka, hindi ka baka Hindi ka mansanas kundi mangga At 'wag mo nang asahang datnan ang panahong tatangos ang iyong ilong, ts'ong Hindi ka puti, kayumanggi ang kulay mo Mahalaga kung ano ang kaya mong gawin Gawing magaling, tinitibok ng bawat damdamin ang gawang magaling Sumigaw kung kailangan na mailabas ang nagbabagang galit sa dibdib Ngunit sunog na ang daigdig sa mga sinasabing walang silbi Kaya nakasalpak sa mga manhid ang panawid-gutom, kumakalam ang tenga Nakasalampak sa sahig ang mga patay-gutom, said walang kumakalinga May mga pantas na 'di malaman ang tungo Hindi puso kundi nguso ang panturo Naging sinungaling ang mga labi ng mga bagong salinlahi 'Di pa huli ang lahat, hawiin ang ulap na nakakabulag Kini mao ang akong balak at ang balak namin ni Gloc Maging makabuluhan ang pagkaguluhan ng nangangarap
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Syke