Hindi Mo Nadinig

Album cover art for "Hindi Mo Nadinig" by Gloc-9 & Jay Durias

Gloc-9 & Jay Durias - Rock, Rap

Hindi Mo Nadinig

2 Plays

View Album

Lyrics

Language:

[Chorus: Jay Durias] Ang buong akala ko ikaw ang s'yang nakalaan Para sa'kin, mga dalangin ko'y pinakinggan Nagkamali ako sa mga pangako mo, whoa Buong akala ko ikaw ang s'yang sa akin ay nakalaan [Verse 1: Gloc-9] Minahal na kita nang makita kita Ang pagtingin ko sa'yo ay higit sa iba Kinapalan ang mukha, niligawan kita Kahit ako ay alangan sa mata ng iba Gabi-gabi ang laman ng dasal ay ikaw Kahit na anong mangyari, ako'y 'di bumitaw Sa pangarap na sa tuwing merong gabing maginaw Ang aking kayakap ay walang iba kundi ikaw Kaya't gano'n na lamang ang aking saya no'ng ako ay Nagpaalam ngunit hinawakan mo'ng aking kamay At sinabi sa'kin sa hangin, parang tinangay "No'ng minahal mo ako, puwede na 'kong mamatay" Ako'y nagsikap upang maibigay sa'yo ang langit Karangyaan sa buhay at mamahaling gamit Kahit minsa'y nagtatalo, sa 'yo'y 'di kayang magalit Bawat hakbang palayo, ako'y patakbong lumalapit Upang 'di magkaagwat, ay nagpasobra ng sapat Ang lahat kinasabwat, handa kong gawin ang lahat Nang ang pag-ibig natin sa isa't isa'y hindi lumabo Parang tubig sa baso kahit na putik ang ihalo [Chorus: Jay Durias] Ang buong akala ko ikaw ang s'yang nakalaan Para sa'kin, mga dalangin ko'y pinakinggan Nagkamali ako sa mga pangako mo, whoa Buong akala ko ikaw ang s'yang sa akin ay nakalaan [Verse 2: Gloc-9] Lagi kang ginagabi, ang huli, kagabi Madalas na magising, wala ka sa'king tabi Pero 'di naman siguro, baka guni-guni Ko lamang 'to, wala lang 'to, siya'y may pinapabili Bagong damit, bagong alahas, mahal basta ikaw Dagdagan mo pa ng prutas, mangga basta hilaw Sa mumurahing bagoong, malalim na sinasawsaw Kahit tila malansa, ang lasa ay ayos lang daw Ako ay medyo natuwa, 'di kaya, sana naman Na ang sinapupunan ng aking mahal, nagkalaman Ngunit nag-aalangan, 'di ko mapag-alaman Huling beses na nagtabi, parang ang hirap tandaan Isang araw ay dinugo, halos lahat ay isinumpa mo 'Di ko lubos maisip, 'di ko alam kung pa'no Unti-unting nagbago, dinuduro mo pa 'ko Bulungan sa telepono, harap-harapan sa mukha ko Umuwi ng maaga, ingay na tagos sa dingding Huling-huli sa akto, sa'kin binaling ang tingin "Hindi na kita mahal," sabay hubad ng 'yong singsing Ako'y binalot ng galit at nagdilim ang paningin [Chorus: Jay Durias] Ang buong akala ko ikaw ang s'yang nakalaan Para sa'kin, mga dalangin ko'y pinakinggan Nagkamali ako sa mga pangako mo, whoa Buong akala ko ikaw ang s'yang sa akin ay nakalaan [Verse 3: Gloc-9] Ako'y bumunot ng baril, na dinala, kaya pala Kahit walang dahilan, magagamit ko pala Parang namamagang singaw, buong dugong nakabara Lahat ay gustong isigaw, ngunit kumalso ang panga Piniringan ang mata, tinalian ang kamay Minartilyo sa paa, sige, tumakbo kang pilay Kahit kayo ay mag-ingay, sige, todo bigay 'Di na rin naman pwedeng maging testigo si Inday Inunahan ko na siya bago pa mangyari 'to Wala kayong kamalay-malay kung ga'no ka-grabe 'to Lahat ng galit at pait ay 'di kayang masabi 'to Sa idudulot kong sakit na nakakaimbalido Kasing-kulay na ng talong ang mga kutis n'yo ngayon Mga dumudugong kuko na may pakong nakabaon Buhok n'yong ginunting ko ay isinilid ko sa bayong Sisilaban hanggang magbaga na parang bulkang Mayon Lumamig na ang luhang galing sa'yo at tuminig Sa kalaguyo mo na mayroong kutsilyo sa dibdib Daliri ko'y nasa gatilyo, sabay subo sa bibig "Minahal naman kita, bakit hindi mo nadinig?" ('Di mo nadinig)

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Jay Durias
  • Gloc-9