Sagwan

Lyrics
[Intro: Monty Macalino] Kahit malalim, lulusungin ko Lahat ng alon, haharangin ko Kahit malayo, tatahakin ko Kung ito'y pabalik sa'yo Maraming beses mang lumisan pa Sa'yo pa rin palagi ang punta Kahit ilang bagyo, walang sa'king makakapigil pa makita lang kita [Chorus: Monty Macalino] Seaman ang tawag sa amin Iba't iba man ang gawain Halina't kilalanin mo, ooh Ako man ay pasalin-salin Parang ihip ng hangin Kailangang unawain n'yo ako [Verse: Gloc-9] Si Domingo Evangelista, ako'y nanggaling pang probinsya Lumuwas do'n sa Maynila, baka sakali lang kumita Ng panggastos sa bawat araw, nangangarap na balang araw Magsagwan sa malaking bangka na ang tawag ay barko Taga-hugas ng pinggan pagkatapos ligpitin ang pinagkainan Uniporme kong puti na palaging madumi Huwag niyo nang tingnan, inyong pakinggan Ang kuwento ng bawat tao sa dagat Palutang-lutang sa tubig-alat Makapagtrabaho ang tanging balak Para sa pamilya, handang sumabak ang mga [Chorus: Monty Macalino] Seaman ang tawag sa amin Iba't iba man ang gawain Halina't kilalanin mo, ooh Ako man ay pasalin-salin Parang ihip ng hangin Kailangang unawain n'yo ako [Verse: Gloc-9] Ako'y mang-aawit sa barko 'pag gabi Tawag sa'kin ay Rey pero ang pangalan ko ay Rene Sunod-sunod ang mga tip kaya laging may pambili Kahit ano kakantahin basta malakas ang tili Kapag bumirit, kinikilig lahat ng kababaihan "Oo" ang sagot kahit hindi ko pa nililigawan Halo-halong pabango na ang kumapit sa unan Hindi na mabilang kaya ngayon ay may karamdaman Ako naman si Tonio, ang kanang kamay ng kapitan Asensado na tila ba walang mapaglagyan Ng salapi, pag-uwi, mahirap ang magngiti Parang mali ang tubo ng mga iniwan kong binhi Nalulong sa bisyo at tumigil na sa pag-aaral Palaging nakangiti, ang kilos ay tila mabagal Ang mahal kong asawa tangay ang lahat ng takal Karangyaan pa pala ang siyang dahilan ng sagabal sa buhay [Hook: Monty Macalino] Kahit malalim, lulusungin ko Lahat ng alon, haharangin ko Kahit malayo, tatahakin ko Kung ito'y pabalik sa'yo Maraming beses mang lumisan pa Sa'yo pa rin palagi ang punta Kahit ilang bagyo, walang sa'king makakapigil pa makita lang kita [Verse: Gloc-9] Napunasan ko na po ang kahuli-hulihang plato Nalinisan ko na din at mabango na ang mga banyo Habang nagpapahinga at mag-isa sa 'king kuwarto Paulit-ulit kong sinasabi ang aking pangako Sa 'king pamilya at mga anak, asawang naiwan Sa Pilipinas, nakakaiyak man, 'di binitawan Larawan n'yo, kahit pa nasusuka na 'ko sa alon Ang inyong kinabukasan ang siyang tangi kong baon At nang lumaon ay makauwi, sabay na umahon Sa kahirapan na bahagi na lamang ng kahapon Pero sana'y maintindihan upang muling masindihan Natin ang kalan at malagyan ang hapagkainan Lalayo muli't dadaong sa ibang bayan Kahit madalas ay dagat lang ang nasisilayan Sampu ng mga kababayan ko na tinitibayan Pag-asa na tangan-tangan na singtibay ng kawayan [Hook: Monty Macalino] Kahit malalim, lulusungin ko Lahat ng alon, haharangin ko Kahit malayo, tatahakin ko Kung ito'y pabalik sa'yo Maraming beses mang lumisan pa Sa'yo pa rin palagi ang punta Kahit ilang bagyo, walang sa'king makakapigil pa makita lang kita [Chorus: Monty Macalino] Seaman ang tawag sa amin Iba't iba man ang gawain Halina't kilalanin mo, ooh Ako man ay pasalin-salin Parang ihip ng hangin Kailangang unawain n'yo ako
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9