Payag

Lyrics
[Intro] Laging tanong sa akin ng iba "Bakit ka ba naniniwala sa kanya?" 'Di ko alam, gano'n lang talaga Kung bakit, bakit pumapayag ako? Matatamis na mga salita Parang latik na 'di niluto sa gata Kilala mo pero ibang mukha Bakit? Bakit pumapayag ako? [Verse 1] Halina sa lugar na kung saan Masaya ang lahat ng mga kawatan At kahit 'di totoo ang kanyang sinasabi Lagi siyang pinakikinggan Walang pakialam sa salitang ilan Kahit ga'no kamahal ang pinagbilhan At kahit na dinoktor ang lahat ng detalye Lagi siyang napagbibigyan [Chorus] 'Yan ang tanong sa akin ng iba "Bakit ka ba naniniwala sa kanya?" 'Di ko alam, gano'n lang talaga Bakit? Bakit pumapayag ako? Matatamis na mga salita Parang latik na 'di niluto sa gata Kilala mo pero ibang mukha Bakit? Bakit pumapayag ako? [Verse 2] Sa mga kasinungalingan mo Kahit sinabi mong ika'y magbabago Yan lang ang pinanghahawakan ko Bakit, bakit pumapayag ako Nasan na ang mga pangako mo Parang bula bigla nalang naglalaho Minsa'y parang kasalanan ko Dahil, dahil pumapayag ako Dahil pumapayag ako [Verse 3] Oras na para gumising ka Ba't 'di mo subukang buksan ang iyong mga mata? Kung ayaw nilang tumalon, ba't 'di ka mauna? Sige, subukan mo lang nang walang kakaba-kaba Kung ito ang simula ng wakas Isa-isa mong burahin ang mga bakas Bago pa matuyo ang lahat ng katas at tuluyang mabaliko ang lahat ng batas sa Pinas (Sa Pinas) "Ano ang iyong pananaw sa lahat ng mga nangyayari sa Mindanao?" Kapit lang, kapatid, 'wag kang bibitaw Hanggang sa apatnapu't apat na beses lumitaw Ang katotohanan, 'wag labanan, tinabunan, ipaglaban Kaawaan ang ating bayan nang malaman natin ang sagot sa [Chorus] Laging tanong sa akin ng iba "Bakit ka ba naniniwala sa kanya?" 'Di ko alam, gano'n lang talaga Kung bakit, bakit pumapayag ako? Matatamis na mga salita Parang latik na 'di niluto sa gata Kilala mo pero ibang mukha Bakit? Bakit pumapayag ako? Bakit pumapayag ako? Bakit pumapayag ako?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9